Balita

‘Daddy’s Gurl’, may bantang boykot?

- Alden Ni NITZ MIRALLES

MAY mga nakita kaming litrato ni Alden Richards na nakasuot ng McDonald’s T-shirt, at ang sabi ay nag-ikot daw sa Biñan City, Laguna ang aktor. Bumisita siya sa City Hall, sa isang hospital, at sa iba pang lugar ng siyudad na location ng franchise branch niya ng nasabing fast food chain resto.

Sa April 26 na ang grand opening ng branch ni Alden at may mga paghahanda nang ginagawa para sa Opening Day. May mga treats sa fans na pupunta sa opening, pero hindi ‘yun ang importante sa fans. Batay kasi sa mga nababasa namin, gusto lang nilang makita si Alden.

Samantala, muling bibiyahe si Alden at ang Dabarkads ng Eat Bulaga sa second week ng March para sa trip nila sa Holy Land, na treat sa kanila ni Mr. Tony Tuviera sa Holy Week. Hindi pa lang alam kung sinu-sino sa Dabarkads ang makakasama at hindi.

Still on Alden, sa Sabado na ang airing ng guesting niya sa Daddy’s Gurl, at dahil sa pag-amin ni Maine Mendoza sa kanyang blog na exclusivel­y dating sila ni Arjo Atayde, may mga nasaktang AlDub fans at may mga nagsabing hindi sila manonood sa most requested guesting sa nasabing sitcom.

May nag-promise naman kay Direk Chris Martinez na panonoorin nila ang episode dahil kay Alden, at may humirit pang ‘yun na ang last time na panonoorin nila ang Daddy’s Gurl.

Nag-react si Direk Chris: “Stop tagging me with tweets saying ‘manonood kami pero last na’. Ano ang gustong n’yong maramdaman ko? Just stop. ‘Wag ganun. Don’t take it out on me and my team.”

Sana nga ay makinig kay Direk Chris ang mga nagtu-tweet ng ganito. Pero naniniwala kami na patuloy na panonoorin ng AlDub fans ang Daddy’s Gurl dahil mahal nila sina Vic Sotto, Maine, Wally Bayola at ang ibang cast ng sitcom.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines