Balita

Tom, excited makaeksena ang kanyang fan

- Nora V. Calderon

INUNA muna ni Tom Rodriguez ang magtrainin­g ng boat race, dahil bahagi ito ng character niya bilang si Michael Chan sa bagong afternoon soap ng GMA 7 na Dragon Lady.

Bilang Michael, si Tom ay isang Filipino-Chinese na ayaw sanang makialam sa kanilang family business, pero kinailanga­n niyang gawin iyon para ma-prove na kaya niya.

Siya ang magiging dahilan ng downfall ni Celestina Sanchez

(Janine Gutierrez), na later on ay mamahalin niya.

Unang nakasama ni Tom si Janine sa two-day taping nila ng Magpakaila­nman, sa life story nina Wil Dasovich at Alodia

Gosiengfia­o last year. Pagkatapos noon, naging dream na ni Tom na muling makasama sa isang project si Janine dahil mahusay daw itong makipag-interact sa mga kasama nila kaya naging madali ang trabaho nila.

“Kaya ngayon, excited na akong makaeksena siya dahil hindi pa kami nagkakasam­a sa taping,” kuwento ni Tom. “Magkakahiw­alay pa ‘yung mga characters namin sa simula, plus una munang nag-tape iyong mga young characters namin sa pilot week. Kaya looking forward ako sa dire-diretso naming taping,” sabi ni Tom. Hindi naman ikinaila ni Janine na fan siya ni Tom, at noong kasagsagan ng My Husband’s Lover, na pinagbidah­an nina Tom, Carla Abellana, at Dennis Trillo in 2013, nagmamadal­i raw s3i,yannag umuuwi ng bahay para mapanood ang nasabing serye. “Uy, grabe naman! Sobrang nakaka... to think na that was my first talagang heavy-drama role I did, and I owe that to Carla and Dennis for bringing those performanc­es out of me,” overwhelme­d na reaksiyon ni Tom.

“Kaya this time, it excited me even more to work with Janine, because I know that if they can be fan of other people’s work, then it means that they are collaborat­ive people.

“And Janine is a collaborat­ive person. Hindi siya madamot, she is a team player, hindi siya iyong gusto lamang siya ang mapansin. Kaya sana po ay subaybayan ninyo ang aming afternoon prime fantasy-drama, Mondays to Saturdays after ng Eat Bulaga,” sabi pa ni Tom.

 ??  ?? Tom at Janine
Tom at Janine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines