Balita

Joyce Ching, daring na sa ‘Dragon Lady’

- Ni NORA V. CALDERON

ENGAGED na nga si Joyce Ching sa boyfriend niyang video director na si Kevin Alimon, kaya sa presscon ng bago niyang Afternoon Prime fantasy drama na Dragon Lady ay natanong siya tungkol sa kuwento ng serye, kung saan magkalaban sila ni Janine

Gutierrez sa pag-ibig ni Tom Rodriguez.

“Opo, hindi po naman bago na magkontrab­ida ako, kaya lamang this time, medyo mature, medyo daring at medyo sexy na ang role ko,” sabi ni Joyce. “Kaya possible din nga po na may kissing scene kami ni Tom.”

Payag ba naman ang fiancé niya sa kanyang role, at papayag ba si Kevin na may kissing scene siya, if ever?

“Okay naman po siya dun sa more mature role, naiintindi­han naman niya. Pero ako po sa torrid kissing scene, ayaw ko. Hindi po naman mawawala iyong kissing scenes, pero puwede po naman ng may daya-daya. Hindi ko po kaya ang grabeng kissing scenes. Mga smack-smack lang, puwede.” Naikuwento rin ni Joyce na ipinagpaal­am pa niya sa GMA, bago mag-presscon kung puwede niyang sabihin ang tungkol sa engagement niya, pero pinayuhan siya na huwag nang isabay dahil iyon daw ang mapag-uusapan. Naintindih­an daw naman niya na kailangang mag-focus sa character niya sa Dragon Lady.

“Kaya kahit po natapos na ang presscon namin, hindi pa rin ako nag-post sa social media. After pa ng ilang araw, nang ma-interview na ako sa 24 Oras,” kuwento ni Joyce.

“Saka hindi pa po naman kami ngayon magpapakas­al, paghahanda­an pa namin iyon. Wala pa kaming definite date at venue ng kasal.”

Biniro namin si Joyce na paano kung gusto na ni Kevin na magpakasal sila ngayon? “Ready!” natatawang patapos ni Joyce. Nagsimula nang mapanood nitong Lunes ang Dragon Lady, pero this week, mapapanood pa ang mga young characters ng fantasydra­ma, from Mondays to Saturdays, after ng Eat Bulaga.

 ??  ?? Joyce
Joyce

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines