Balita

Luke Perry, pumanaw sa stroke

- Reuters

NITONG Lunes ay binawian ng buhay ang aktor na si Luke Perry, na nagsimulan­g sumikat sa teen-oriented 1990s U.S. television drama na Beverly

Hills 90210 at sa pagganap nito ng tatay sa comic-based series na

Riverdale, sa edad na 52, makaraang makaranas ng “massive” stroke noong nakaraang linggo, ayon sa kanyang publicist.

Inihayag ng kanyang publicist na si Arnold Robinson na pumanaw si Luke sa isang ospital sa Los Angeles at kapiling niya nang mga oras na iyon ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan, kabilang ang dati niyang asawa na si Minnie Sharp, dalawa niyang anak, at ang fiancé niyang si Wendy Madison Bauer.

“The family appreciate­s the outpouring of support and prayers that have been extended to Luke from around the world, and respectful­ly request privacy in this time of great mourning. No further details will be released at this time,” sabi ni Arnold sa isang pahayag.

Isinugod si Luke sa ospital sa Los Angeles nitong Miyerkules nang ma-stroke sa bahay, ayon sa ulat ng celebrity website na TMZ.com noong nakaraang linggo. Ayon sa TMZ nitong Lunes, mula nang mastroke ay hindi na nagkamalay si Luke. Inatake si Luke sa parehong araw na inihayag ng Fox television na bubuhaying muli nito ang Beverly Hills 90210 series na tatampukan ng karamihan sa orihinal na cast, kabilang sina Jason Priestley, Jennie Garth at Tori Spelling. Wala si Luke sa mga nabanggit na magbibida sa limited run ng anim na bagong episodes nito.

Mula noong 2016, gumanap si Luke bilang si Fred Andrews, ang tatay ni Archie Andrews, sa television series na Riverdale, isang dark twist sa Archie comic books, ngunit 20 taon bago ito, ay naging heartthrob ang aktor dahil laging tampok si Luke sa mga cover ng magazines na ang target market ay mga dalaga, thanks to Beverly Hills 90210.

Samantala, maraming celebrity ang nagpaabot ng kanilang pakikirama­y sa pagkamatay ni Luke. Inihayag ng mag producer ng Riverdale na si Luke ay isang “incredibly caring, consummate profession­al.” Post naman ni Molly Ringwald, isa sa mga co-star ni Lukes sa show, sa Twitter, “My heart is broken.”

 ??  ?? Luke
Luke

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines