Balita

Netflix, sumagot kay Spielberg

-

SUMAGOT ang Netflix sa pahayag ni Steven Spielberg na huwag nang isali sa Oscars ang mga pelikulang ipinalalab­as sa mga streaming service. Without mentioning the Jaws and

Jurassic Park director by name, naglabas ang kumpanya ng pahayag sa Twitter at sinabi nitong “(they) love cinema” at iginiit na natutulung­an nito ang publiko na magkaroon ng access sa mga pelikula, ayon sa ulat ng Variety.

“We love cinema. Here are some things we also love,” tweet ng Netflix. “Access for people who can’t always afford, or live in towns without, theaters. Letting everyone, everywhere enjoy releases at the same time. Giving filmmakers more ways to share art. These things are not mutually exclusive.”

Plano ni Steven, isa sa mga miyembro ng board of governors sa Academy of Motion Picture Arts & Sciences, na maglatag ng mga bagong patakaran na pipigil sa mga pelikulang ipinalabas sa streaming services o sa mga pelikulang limitado lang ang pagpapalab­as sa mga sinehan, sa pagsali sa Oscars. Naniniwala siya na mas nababagay ang mga ito sa Emmys.

Nagwagi ang Netflix ng apat na Oscars sa awarding rites ngayong taon, kabilang ang three statues para sa Roma ni Alfonso Cuaron. Wagi si Alfonso ng directing honor, ngunit natalo ang Roma sa best picture race sa Green Book ng Universal, isang civil rights drama na iniprodyus ng kumpanya ni Steven, ang Amblin Partners and Participan­t Media.

Sa unang regulasyon ng Netflix, dapat ay tuluy-tuloy na ipalabas ang mga pelikula sa mga streaming platforms at sinehan. Gayunman, binago nito ng naunang regulasyon. Nagkaroon lamang ang Roma ng exclusive three-week theatrical run. Magiging ganito rin ang sasapitin ng mga upcoming films na Triple Frontier ni J.C. Chandor at The

Irishman ni Martin Scorsese, bago sila ipalabas sa site. Lalo namang iinit ang debate dahil may bagong streaming sites na ilulunsad. Maglulunsa­d din ang Disney, WarnerMedi­a, at Comcast ng streaming platforms. Hindi pa maliwanag kung ang mga pelikulang ipoprodyus nila ay papayagang makasali sa Oscars.

At the same time, nagbigay naman ng signal ang Amazon, na mayroong traditiona­l theatrical releases para sa mga pelikula nito, na nais nitong subukan at pag-aralan ang iba’t ibang distributi­on strategies.

“Wearelooki­ngatavarie­tyofwindow­s,”lahadniAma­zon Studios chief Jennifer Salke sa Variety kamakailan.

Inihayag naman ng kinatawan ni Steven sa IndieWire na sa tingin ng direktor ay “there’s a difference”.

“Steven feels strongly about the difference between the streaming and theatrical situation,” anang Amblin spokespers­on. “He’ll be happy if the others will join (his campaign) when that comes up. He will see what happens.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines