Balita

Mga batikan, naungusan agad ni Camila Cabello

-

CAMILA Cabello’s life will “never ever be the same”. MULA nang maglunsad ng solo career ang Cuban-born singer sa pamamagita­n ng solo album niyang Camila noong 2018, na sumikat dahil sa pagkakasam­a sa girl group na Fifth Harmony, ay hindi na natinag ang singer sa pamamayagp­ag, ayon sa ulat ng Yahoo Celebrity.

Sa loob lang ng isang taon, naungusan na ni Camila ang records ng ilang tanyag na mang-aawit at gumawa rin siya ng kasaysayan sa Grammy Awards ngayong taon.

Nagtanghal siya sa seremonya kasama sina Ricky Martin at J

Balvin, dahilan para siya ang tanghaling unang Latina na nagbukas ng Grammys. Isa itong shocking statistic, lalo pa dahil si Jennifer Lopez ay nasa industriya na mula pa noong ’90s.

Kahit na hindi nag-uwi si Camila ng Grammy award, dalawang beses naman siyang naging nominado sa awarding rites: Best Pop Vocal Album at Best Pop Solo Performanc­e para sa hit song niyang Havana.

Speaking of Havana (ooh na-na), ang single ang most-streamed song ng Spotify, na mayroong mahigit 800 million streams, at ito ang unang beses na nakamit ng isang Latina artist ang record. Gumawa rin siya ng

kasaysayan nang umarangkad­a sa No. 1 ang self-titled niyang album sa iTunes sa mahigit 100 bansa sa loob lamang 24 oras.

Camila also did the unthinkabl­e, ang maging unang singer matapos ang 15 taon na makatunton­g sa No. 1 spot para sa awitin niyang Havana at sa album niyang Camila. Natamo rin ni Beyoncé ang parehong karangalan noong 2003, sa awitin niyang Crazy in Love at album na Dangerousl­y in Love.

Wait, there’s more: Pitong linggong nasa Pop Songs chart ang Havana – ang longest reign para sa female artist mula nang mailabas ang I Knew You Were Trouble ni Taylor Swift noong 2013.Patuloy naman ang pagtanggap ni Camila ng parangal. Noong nakaraang taon, nagwagi ang singer ng tatlong Teen Choice Awards, four American Music Awards at naging nominado para sa limang MTV Video Music Awards. Siya rin ang itinanghal na Artist of the Year at Video of the Year. “Getting to do shows where people are singing words that I wrote back to me was a completely mind-boggling new experience,” aniya sa Billboard magazine. “The last year was definitely the best year of my life.”

 ??  ?? Camila
Camila

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines