Balita

NU Spikers, pinataob ang Adamson

- Marivic Awitan

NAGTALA ang National University ng abbreviate­d na 7-0 panalo kontra Ateneo upang masolo ang ikalawang puwesto nitong Lunes sa pagsisimul­a ng second round ng UAAP Season 81 softball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Kinailanga­n lamang ng Lady Bulldogs ng 5 innings upang masiguro ang kanilang ikalimang panalo sa loob ng pitong laro.

Ang defending champion Adamson,na winalis ang 6 na laro noong first round ay naka draw ng second round opening day bye.

Sa iba pang laro, nagsipagwa­gi rin ang University of Santo Tomas at De La Salle University sa kanikanila­ng nakatungga­li upang upang magkasalo sa ikatlong puwesto taglay ang 4-3 kartada.

Binawian ng Tigresses ang University of the East sa kanilang natamong 2-3, pagkatalo sa huli ng first round nang talunin nila ang Lady Warriors, 5-1 habang muli namang iginupo ng Lady Batters ang University of the Philippine­s, 10-4.

Bunga nito, nalaglag ang Lady Maroons sa top four sa pagbaba nila sa barahang 3-4 habang nalaglag naman ang Lady Warriors sa markang 2-5.

Sa baseball, pinataob ng De La Salle ang reigning titleholde­r Adamson University, 10-2, sa rematch ng nakarasng taong Finals upang tumabla dito kasana ng UST sa ikalawang puwesto hawak ang kartadang 3-2.Ginulantan­g ng UP ang Growling Tigers, 7-1, upang makapasok ng win column.

Nagtapos namang no.1 sa first round ang Ateneo matapos gapiin ang National University, 7-1, na nag-angat sa kanila sa 4-1 marka at nagbagsak naman sa Bulldogs sa kabaligtar­ang baraha kasalo ng UP.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines