Balita

Davao City, handa na sa Palarong Pambansa

- Annie Abad

HANDA na at nasa tamang aspeto ang programa ng Davao City para sa hosting ng Palarong Pambansa – pinakamala­king multi-event championsh­ips para sa mga estudyante – sa Abril.

Siniguro ni Michael Aportadera, head ng Davao City Sports Division Office, na natugunan ang lahat ng pangangail­angan para sa paghahanda batay na rin sa kautusan ni Davao City Mayor Sarah Duterte-Carpio.

“Davao City is ready to host the Palarong Pambansa. We welcome everybody. We make sure nasa tamang ayos ang lahat. Priority namina ng mga atleta, coaches at mga bisita natin sa lungsod,” aniya.

Ito ang ikalawang pagkakatao­n mula ang ilarga ang Palaro noong 1950 na nagsilbing host ang lungsod na pina-angat ng husto sa pamamahala ng dating Mayor at Pangulong Duterte.

Kabuuang 12,000 estudyante­ng atleta, buhat sa 17 rehiyon sa buong bansa ang kalahok sa taunang event.

Target din ng nasabing lungsod na agawin ang titulo sa overall champion na National Capital Region (NCR) para sa prestihiyo­song kompetisyo­n, na kanila namang sinimulan sa kanilang pagkopo ng liderato sa Mindanao leg ng Batang Pinoy na ginanap sa Tagum City Davao del Norte kamakailan.

Makakatuwa­ng ng Davao City ang pamunuan ng Philippine Sports Commission (PSC) at Department of Education (DepEd) para sa hosting na kamakailan lamang ay nagsanib puwersa upang isakatupar­an ang pagtuklas sa mga batang atleta sa pamamagita­n ng grassroots sports program.

Kaugnay nito, magsasagaw­a ang PSC ng sports journalism para sa mga estudyante na kabilang sa mga school papers.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines