Balita

34 sugatan sa bus vs truck

- Mary Ann Santiago

Nasa 34 na katao ang nasaktan at nasugatan nang magsalpuka­n ang isang dump truck at isang pampasaher­ong bus sa Malate, Maynila, kamakalawa.

Ayon kay Nelson Natividad, team leader ng Philippine Red Cross (PRC)Manila Chapter, pawang nagtamo ng minor injuries ang mga pasahero, kabilang ang driver ng bus, na nilapatan ng lunas sa Ospital ng Maynila, Philippine­s General Hospital at Manila Doctor’s Hospital.

Samantala, nasa kustodiya naman ng Manila Police District (MPD) ang driver ng Kersteen bus (DXG 880) na si Joseph Mojica, nasa hustong gulang, ng Balengay 12, Amadeo, Cavite City; at ang driver ng Isuzu 10-wheeler truck (DUD 688) na si Noli Mendoza, nasa hustong gulang, ng Barangay Dungawan Guinyangan, Quezon Province.

Sa ulat ng MPD- Ermita Police Station (PS-5), naganap ang insidente sa San Marcelino Street, kanto ng Remedios St., sa Malate, dakong 9:45 ng gabi.

Sa pagsisiyas­at nina Police Chief Master Sgts. Geronimo Cadano at Pat Rudy Ramirez, sakay ang mga biktima sa bus at binabagtas ang Remedios St., habang binabagtas naman ng truck ang San Marcelino Street.

Pagsapit ng bus sa intersecti­on, dito na ito nabangga ng truck.

Sa lakas ng pagkakaban­gga, tumumba ang bus, na nagresulta nang pagkasugat ng mga sakay nito.

Rumesponde ang PRC at mga tauhan ng Paco Police Community Precinct (PCP), at isinugod sa ospital ang mga biktima.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines