Balita

Michael V, magdidirek ng pelikula

- Ni DINDO M. BALARES

GOOD news ang pagbabalik ng GMA Films sa pagpoprody­us ng pelikula pagkaraan ng mahigit tatlong taong pagtigil sa filmmaking.

Inihayag ng kompanya kasama ang Mic Test Entertainm­ent, Inc. last Tuesday ang bagong project na may titulong Family History na ididirehe ni Michael V.

Ito ang post ni Michael V sa Instagram pagkaraan ng announceme­nt na dinaluhan ng magiging cast ng kanyang pelikula: “Nagsimula sa pangarap, unti-unting pinagsikap­an hanggang mabuo. Ito ‘yung pinagdaana­n ng project na ‘to and we’re only halfway there.

“’Yung suporta n’yo ang naging puhunan ko…hayaan n’yo namang suklian ko kayo ng kahit isang pelikula.

“Kahit ga’no ka kabuwenas sa buhay, hindi palaging nangyayari lahat ng gusto mo. Pero

as soon as natapos ang script reading with the cast, I can proudly say it’s official: We have a movie. More than that, we have a family.”

Itatampok ng GMA Films sa kanilang pagbabalik-pelikula si Dawn Zulueta kasama sina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Paolo

Contis, at Ina Feleo.

Positive news ang muling pagiging aktibo ng GMA Films sa movie production ngayong mainit na pinagdedeb­atehan ng entertainm­ent industry people ang mga kinakailan­gang gawin para mapigilan sa tuluyang pagbagsak ang Philippine movie industry.

Nasa slump ngayon ang local films. Simula sa pagpasok ng taon, matamlay ang reception ng moviegoers sa mga pelikulang Tagalog. Tanging ang Alone/Together nina

Liza Soberano at Enrique Gil under Star Cinema pa lamang ang box office hit ngayong 2019.

 ??  ??
 ??  ?? Cast ng ‘Family History’
Cast ng ‘Family History’

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines