Balita

Gelli, game sa mistress role

- Ni NORA V. CALDERON

ISANG lost na single woman na may relasyon sa married man, in short, isang mistress si

Gelli de Belen sa pelikulang Pansamanta­gal, na pinagbibid­ahan ni Bayani Agbayani. First time na gaganap si Gelli sa nasabing role at mag-dialogue ng mga salitang ngayon lang niya bibigkasin.

Hindi ba siya nagdalawan­g-isip na tanggapin ang role?

Nagpa-sample nga kami ng dialogue ni Gelli sa pelikula, pero hindi siya pumayag.

“Kapag napanood na lang ninyo,” natatawang sagot ni Gelli.

“Hindi ako nag-hesitate tanggapin ito. ‘Yon nga lang sa dialogue, pero natuwa ako kasi ngayon ko lang nasasabi ang mga words na iyon.”

Hindi ba siya pinigilan ng husband niyang si Ariel Rivera?

“No, wala siyang negative reaction nang ikuwento ko ang story ng movie namin. Ganoon naman kami ni Ariel, wala kaming pakialaman sa mga projects na ginagawa namin. Sinasabi lang namin kung ano ang role at story nito.

“Ang medyo nag-react ang mga anak namin, si Julio, medyo conservati­ve kasi iyon. Si Joaqui naintriga, pero okay lang sa kanya.”

Kumustang katrabaho si Bayani?

“First time naming magtambal ni Bayani sa Confession of a Torpe at ngayon lang ulit. Nakakapago­d si Bayani, nahihirapa­n akong pigilin ang pagtawa dahil mahilig siyang mag-adlib, mahusay na comedian, spontaneou­s siya sa pagde-deliver ng dialogue. He’s really very funny, ang husay niya sa timing.”

Pero kung nagpapataw­a man daw sila sa movie, hindi ito straight comedy, isa itong dramedy na kinunan nila ang kabuuan sa napakagand­ang location nila sa Bolinao, Pangasinan.

Biniro namin si Gelli kung may kissing scene ba sila ni Bayani sa movie?

“Secret! No problem kay Ariel, pero ako ang nagtanong sa sarili ko kung kaya ko bang gawin. Sana po ay panoorin ninyo ito dahil naiiba ang movie namin, at tiyak na magugustuh­an ninyo ang location namin, napakagand­a.”

Katatapos lang ni Gelli ng Afternoon Prime drama series sa GMA 7, ang Ika-5 Utos. May bago na bang project siyang gagawin?

“Wala pa, gusto ko rin munang magbakasyo­n sa Toronto, Canada to be with my sons. Medyo madugo kasi ang taping namin ng Ika-5 Utos, kaya doon muna ako habang naghihinta­y ng bagong project.”

Kasama nina Gelli at Bayani sa Pansamanta­gal sina DJ Cha Cha, Ronnie Lazaro, at Perla Bautista. Directed by Joven Tan, mapapanood na ito simula sa Wednesday,

March 20, in cinemas nationwide.

 ??  ??
 ??  ?? Gelli
Gelli

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines