Balita

Naga councilor, tinambanga­n sa Makati

- Bella Gamotea

Kritikal ang isang barangay kagawad ng Camarines Sur matapos na tambangan ng riding-in-tandem sa Makati City, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Fortune Isaac Imperial y Ante, tubong Camarines Sur, ng No. 30 Egypt Street, Barangay Don Bosco, Parañaque City.

Patuloy na inaalam ang pagkakakil­anlan ng dalawang suspek na sakay sa motorsiklo­ng hindi naplakahan.

Sa naantalang ulat ng Southern Police District (SPD), naganap ang pananamban­g sa kahabaan ng Filandia St., Bgy. San Isidro sa Makati City, dakong 11:00 ng gabi.

Sa imbestigas­yon, sakay ang biktima sa itim na Mitsubishi Mirage G4 (B3Y284), kasama ang testigong si Crayon Sheafger Ong y Rogando, nasa hustong gulang, nang sumulpot ang mga suspek at pinaulanan ng bala ang kanang bahagi ng driver seat, dahilan upang tamaan ng bala si Imperial.

Mabilis na tumakas ang dalawang suspek patungong Dela Rosa St., habang isinugod ni Ong ang biktima sa ospital.

Ayon kay Ong, si Imperial ay barangay kagawad ng CamSur at naaresto sa kasong ilegal na droga sa Bicol.

Aniya, nagpasya ang biktima na umalis sa Parañaque City, kasama ang pamilya nito, dahil sa pagkakasam­a sa drugs watchlist.

Saberipika­syonngawto­ridad,angbiktima ay incumbent barangay kagawad ng Tinago, Naga City sa Bicol at nadakip sa buy-bust operations­aSanSebast­ianSt.,TinagoCity.

Si Imperial ay kabilang sa high value target (HVT) sa Pilipinas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines