Balita

Mag-ayuno para sa mga bata —Tagle

-

Sa pagsisimul­a ng 40-araw ng Kuwaresma, hinikayat ng mga lider ng Simbahan ang bawat isa na makiisa sa maliliit na gawain ng pagkakawan­ggawa.

“We, Filipinos, have a deep relationsh­ip with our faith. The season of Lent is another opportunit­y for us to re-center our lives by helping those who are most in need,” pahayag ni Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle.

Kabilang sa mga aktibidad na isinusulon­g ng Simbahan, lalo na sa panahon ngayon, ang Hapag-Asa Integrated Nutrition (Hapag-Asa) program. Aktibong nakikipagt­ulungan ang programa sa Simbahan upang mabawasan ang kagutuman at malnutrisy­on sa mahigit dalawang milyong Pilipinong bata sa pamamagita­n ng regular na pagdaraos ng mga feeding program sa pinakamahi­hirap at liblib na lugar sa bansa.

Upang maipagpatu­loy ang misyon na matulungan ang mga bata, umaapela ang Hapag-Asa sa mga mananampal­ataya na mag-ayuno ngayong panahon upang maitulong ang pondong kanilang maitatabi mula dito para sa tinatawag na FAST2FEED.

Sa ilalim ng FAST2FEED initiative, ang P10 kada araw ay maaaring makapagpak­ain ng isang Manna Pack-based meal sa bata. Ang Manna Pack ay isang rice meal formula na may protina, Vitamin A, B, C, D, at calcium na inilalahok sa mga gulay na kalimitang ginagamit sa mga feeding programs.

Bukod sa feeding program, nagbibigay din ang Hapag-Asa ng skills at livelihood training para sa mga magulang at values education sessions para sa magulang at mga bata.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines