Villar, PH’s richest man ng Forbes
Ang businessman at dating senador na si Manny Villar ang pinakamayan sa Pilipinas, base sa inilabas na listahan ng Forbes 2019 ng World’s Billionaires, nitong Martes.
May net worth na $5.5 billion, si Villar ay nasa ika-317 puwesto sa buong mundo.
Siya ang chairman ng Starmalls, isa sa pinakamalaking mall operators sa bansa, at ang home builder company na Vista and Landscapes.
Noong 2017, nakuha ng kanyang kumpanya ang Bria Homes, isang developer ng mass housing project at mga condo, na kalaunan ay pinalitan ang pangalan at tinawag na Golden Bria.
Sumunod kay Villar sa listahan ang JG Summit founder na si John Gokongwei, Jr., na may $5.1 billion net worth at nasa ika-343 sa world ranking.
Pangatlo sa listahan ang chairman ng International Container Terminal Services na si Enrique Razon, Jr., na mayari rin ng Solaire Casino and Resort.
Pasok din sa listahan ng Forbes si Lucio Tan, $4.4 billion; Tony Tan Caktiong and family, $3.9 billion; Ramon Ang, $2.9 billion; Andrew Tan, $.27 billion; Hans Sy at Robert Sy, $2.4 billion; Harley Sy, Henry Sy, Jr., at Teresita SyCoson, $2.2 billion; Elizabeth Sy, $1.9 billion; Eduardo Cojuangco at Robert Coyiuto, Jr., $1.4 billion; Ricardo Po Sr. and family, $1.2 billion; at Roberto Ongpin ,$1.1 billion.
Nananatili namang world’s richest man ang Amazon founder na si Jeff Bezos sa kanyang net worth na $131 billion. Kasunod sina Microsoft founder Bill Gates, $94.5 billion at legendary investor Warren Buffet, $82.5 billion.