Balita

Narco list magiging ‘trial by publicity’ – Robredo

- Nina RAYMUND F. ANTONIO at VANNE ELAINE P. TERRAZOLA

Tinutulan kahapon ni Vice President Leni Robredo ang paglabas ng listahan ng mga sinasabing narco politician­s bago ang eleksiyon sa Mayo, sinabing dapat magsampa ng kaukulang kaso sa korte ang pamahalaan laban sa mga ito.

Nagbabala si Robredo laban sa “trial by publicity” sa harap ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilabas ang listahan ng mga politiko na sangkot sa ilegal na droga.

“Siyempre, ayaw natin na magelect tayo sa public office ng mga narco politician­s, pero kasuhan na sila ngayon. Iyon pala, may ebidensya laban sa kanila, bakit ayaw pang kasuhan? Bakit ita-trial by publicity?” aniya sa mga mamamahaya­g sa Nagcarlan, Laguna.

Idinagdag niya na: “Para warning din siya sa tao, pero hindi tayo nagiging unfair. Ito kasi, kapag trial by publicity, wala kang pagkakatao­n depensahan iyong sarili mo.”

Binanggit ni Robredo ang mga pagkakamal­i sa naunang drug list na naglalaman ng mga pangalan ng mga politiko, pulis , at hukom na inilabas ni Duterte sa nakalipas.

“Mahirap iyong trial by publicity, kasi ano iyong assurance natin na tama iyong informatio­n?” tanong ni Robredo.

Tinanong din si Robredo tungkol sa pahayag ni Presidenti­al Spokespers­on Salvador Panelo na ang wiretapped narco list informatio­n ay nagmula sa mga banyagang bansa.

“’Di ba bawal iyong wiretappin­g? Bawal sa batas natin iyon,” aniya. ILLEGAL WIRETAPPIN­G Hindi rin kumbinsido si Senate President Vicente Sotto III na mga banyagang gobyerno ang nagbigay ng listahan ng mga politiko na diumano’y may kaugnayan sa droga.

“Malabo. Why will a foreign government wiretap politician­s? A few, perhaps. But 82 [politician­s]?” ani Sotto sa kanyang text message sa Balita kahapon.

Sinabi pa ni Sotto na dapat maalarma ang Pilipinas sa iniulat na wiretappin­g na isinagawa ng mga banyagang bansa.

“It’s because illegal wiretappin­g is not allowed here,” anang Senate chief. “If cases will be filed vs [these] politician­s, it will be based on other evidences and not wiretaps.”

Sinabi naman ni Sen. Panfilo Lacson na dapat ay namuhunan ang Palasyo sa pangangala­p ng legal evidence para patunayan ang narco list nito.

“Is the administra­tion admitting to be complicit in the commission of a crime by foreign government­s? Is it now a government policy to condone invasion of privacy of its own nationals by China, Israel, and the United States?” ani Lacson.

Ilalabas ng Department of Interior and Local Government ang mga pangalan ng sinasabing narco politician­s sa susunod na linggo.

Sinasabing laman ng narco list ang 82 incumbent local officials, 64 sa kanila ay tumatakbo sa eleksiyon sa Mayo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines