Balita

‘HIV is curable’

-

LONDON (AFP) — Sa pangalawan­g pagkakatao­n isang HIV patient ang nasa sustained remission mula sa virus na tinawag ng mga eksperto nitong Martes na patunay na balang araw ay magagamot din ang kondisyon na nagdudulot ng AIDS.

Halos sampung taon simula ng unang nakumpirma­ng kaso ng isang HIV-infected person na nagamot sa nakamamata­y na sakit, isang “London patient” ang hindi nakitaan ng senyales ng virus sa loob ng halos 19 buwan, iniulat ng mga doktor sa journal na Nature.

Kapwa ang “Berlin patient” at ang “London patient” ay sumailalim sa bone marrow transplant­s para lunasan ang blood cancers, tumanggap ng stem cells mula sa donors na may genetic mutation na makikita sa halos isang porsiyento ng Europeans na pumipigil sa pagkapit ng HIV.

“It is a landmark. After 10 years of not being able to replicate (the first case), people were wondering if this was a fluke,” sinabi ng lead author na si Ravindra Gupta, professor sa University of Cambridge.

“I think it is important to reaffirm that this is real and it can be done,” ani Gupta sa AFP.

Maingat na tinanggap ng mga eksperto ang pahayag nitong Martes.

Sinabi ng Internatio­nal AIDS Society na ang mga resulta para sa ikalawang pasyente “reaffirm our belief that there exists a proof of concept that HIV is curable”.

Sinabi ni Sharon Lewin, director ng Peter Doherty Institute for Infection and Immunity, na ipinakita ng pangalawan­g kaso na “feasible” o posible ang lunas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines