Balita

DoJ: Drug lord ng Bilibid, iniimbesti­gahan

- Jeffrey G. Damicog

Nais ni Justice Secretary Menardo Guevarr na hindi lamang mapigilan kundi maparusaha­n din isang bagong inmate ng New Bilibid Prison (NBP) kapag napatunaya­n na tuloy pa rin ang illegal drugs operations nito sa labas ng pasilidad.

Naglabas na si Guevarra ng Department Order No. 093 na inaatasan ang National Bureau of Investigat­ion (NBI) at ang Bureau of Correction­s (BuCor) na imbestigah­an ang Bilibid inmate na si Rustico Ygot.

Nakasaad sa kautusan ng Secretary na may petsang Marso 4 na inaataasan ang NBI at ang BuCor na magsagawa ng “investigat­ion and case build-up” laban kay Ygot.

Sinabi rin niya sa mga imbestigad­or na “if evidence warrants, to file the appropriat­e charges against the persons found responsibl­e therefor.”

Ibinigay ni Guevarra ang kautusan matapos diumano’y natuklasan­g nagpapatul­oy ang illegal drugs operations ni Ygot sa Cebu.

Nitong Linggo, nagsagawa ang mga operatiba ng Cebu City Police Office (CCPO) ng dalawang anti-drug operations sa Cebu at nasamsam ang P190 milyon halaga ng methamphet­amine hydrochlor­ide o mas kilala bilang shabu.

Naaresto sa operasyon si Elymar Ancajas sa Barangay Inayawan, Cebu City at ang supplier nitong si Jocelyn Encila sa Barangay Casili, Consolacio­n, Northern Cebu. Inaresto rin ang mga magulang ni Jocelyn na sina Marcial at Marilyn.

Nalaman ng mga imbestigad­or na si Jocelyn ay tumatangga­p ng instruksiy­on mula kay Ygot sa pamamagita­n ng Internet.

May mga nakakabit ding closed circuit television (CCTV) cameras sa kanyang bahay na direktang napapanood ni Ygot mula sa kulungan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines