Balita

Pulis-Pasay laglag sa extortion, kidnapping

BUONG UNIT, HEPE, SIBAK DIN

- Martin A. Sadongdong at Bella Gamotea

Inaresto ng anti-scalawag and intelligen­ce units ng Philippine National Police (PNP) ang isang anti-drug operative ng Pasay City Police Station kahapon, matapos na isangkot sa extortion at kidnapping.

Dinampot si Police Corporal Anwar Nasser, nakatalaga Station Drug Enforcemen­t Team (SDET) ng Pasay police, ng mga tauhan ng PNP-Counter Intelligen­ce Task Force (CITF) at Intelligen­ce Group (IG).

Samantala, tatlo sa kanyang mga kasabwat ang nakatakas. Kinilala ang mga ito na sina Police Lieutenant Ronaldo Frades, hepe ng Pasay SDEU; Patrolman Anthony Fernandez; at Sergeant Rigor Octaviano, na pawang miyembro ng Pasay SDET.

Nag-ugat ang operasyon ng iulat ng isang alyas Joan sa PNP-CITF na si P/Cpl. Nasser ay nanghingi ng pera sa kanya kapalit ng paglaya ng kanyang live-in partner na si alyas George.

Sa report mula kay Police Colonel Romeo Caramat, head ng PNP-CITF, inaresto si George ng Pasay SDET sa Bautista Street, Makati City sa ganap na 9:00 ng umaga nitong Martes. Ayon sa mga pulis, nakuhanan ng droga si George sa operasyon.

Sinabi ni Joan na tinawagan siya ni P/ Cpl. Nasser at hiningan ng P100,000 kapalit ng paglaya ni George.

Gayunman, sa halip na sumunod kay P/Cpl. Nasser, nagpasaklo­lo si Joan sa CITF upang masagip ang kanyang live-in partner.

Nagsagawa ang PNP-CITF at IG ng entrapment operation laban kay P/Cpl. Nasser at mga kasabwat nito sa loob ng Pasay SDET office nitong Martes, dakong 4:15 ng madaling araw.

Ayon sa CITF, nang tanggapin ng mga suspek ang P100,000 boodle money, naglabasan ang mga awtoridad.

Gayunman, si P/Cpl. Nasser lamang ang naaresto habang ang kanyang mga kasabwat ay nakatakas tangay ang boodle money.

Kalaunan ay nasagip si George at nadiskubre na walang entry ng pag-aresto sa police blotter book o dokumentas­yon hinggil sa operasyon ng SDET.

Dinala si P/Cpl. Nasser sa CITF headquarte­rs sa Camp Crame, Quezon City kung saan siya mahaharap sa kasong extortion at kidnapping.

Ililipat ang mga sinibak na SDET officers sa Personnel Holding and Accounting Unit (PHAU) sa Camp Crame, Quezon City.

SIBAK

Sa pag-aresto kay P/ Cpl. Nasser, ipinag-utos ni PNP chief, Police General Oscar Albayalde ang pagsibak kay P/Lt. Prades at 27-man unit ng Pasay SDET, kabilang si P/Cpl. Nasser.

Bukod diyan, sinibak din si Pasay police chief, Police Colonel Noel Flores para sa command responsibi­lity, ayon kay Police Colonel Bernard Banac, PNP spokespers­on.

Si Flores ay papalitan ni Police Colonel Bernard Yang, NCRPO regional operations division chief.

“We assure the public that the guilty ones will be jailed and dismissed from the service for such kind of personnel have no place in the PNP,” sabi ni Banac.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines