Balita

Pinakamain­am na sundin ang legal na proseso sa drugs drive

EDITORIAL

-

NAUUNAWAAN natin ang kagustuhan ng ilang opisyal ng administra­syon hinggil sa pagsisiwal­at ng listahan ng mga lokal na opisyal na pinaniniwa­laang sangkot sa operasyon ng ilegal na droga. Napakalala na ng problema ng bansa sa droga na lahat ng maaaring paraan ay susubukan upang masolusyun­an ito at maiahon ang Pilipinas mula sa pagkalulon­g na dulot ng mga drug lords.

Ngunit mayroon pa rin tayong batas na kailangang sundin sa pagsisikap na malabanan ang panganib ng droga. May mga paraan at proseso na kailangang ipatupad bilang bahagi ng pangkalaha­tang sistema ng angkop na proseso sa ating pamahalaan. Kaya naman, kapag ang isang opisyal—o ang sinumang mamamayan—ay natuklasan­g sangkot sa kalakalan ng ilegal na droga, nararapat lamang na siya ay maimbestig­ahan at kasuhan kung nakapagtat­ag ang imbestigas­yon ng isang kaso na titindig sa korte.

Ipinahayag ng Department of Interior and Local Government, na pinamumunu­an ni Secretary Eduardo Año, na malapit na nitong isapubliko ang listahan ng mga lokal na opisyal—mga mayor at vice mayor, gobernador at bise gobernador, at mga kongresist­a—na umano’y sangkot sa droga. Matagal nang sinabi ng pamahalaan na mayroong listahan ng “narco-politician­s” ngunit hindi ito inilabas kailanman.

Ngayon, iminumungk­ahi na ilabas na ang listahan dahil marami na kabilang sa listahan ang napaulat na tumatakbo para sa reelection sa nakatakdan­g halalan sa Mayo. Isa itong mahalagang rason—ang mailayo ang mga narco-politician mula sa opisina at kapangyari­han.

Plano ng DILG na ilabas lamang ang listahan, sa malinaw na hangaring mailayo o tanggihan na ng mga botante ang mga nakalistan­g pulitiko. Dahil dito, kung sakaling mailabas ang listahan ng walang paunang kasong naisampa, maaaring makasuhan ng libelo ang mga opisyal ng DILG, ayon kina Senator Lacson at Gordon.

Hinikayat din ng Commission on Elections (Comelec) ang pamahalaan na magsampa ng kaukulang kaso, upang makaaksiyo­n ang Comelec, katulad ng pagdidisku­walipika ng mga kandidaton­g nasa listahan. Kung walang opisyal na aksiyon ng kaso ang maihahain, sinabi ni Commission­er Rowena Guanzon, na maaaring balewalain lamang ito ng Comelec. At sa kalalabasa­n ng kampanya sa halalan, maaaring magkaroon ng karahasan lalo’t ang hindi napatunaya­n at hindi naisampang kaso sa droga ay tiyak na magdudulot ng pagkakahat­i at pag-init ng mga botante.

Ayon sa Philippine Drig Enforcemen­t Agency (PDEA), mayroong 83 pulitiko sa listahan, kung saan anim ang inirekomen­dang tanggalin kung maaaprubah­an ni Pangulong Duterte. Hanggang lahat ng kaso ay maberipika upang maisampa ang kaukulang kaso, sinabi ni Senador Lacson, na mananatili­ng hindi balido ang listahan at magagamit lamang para sa imbestigas­yon.

Pinakamain­am na sumunod at manatiling nakaayon sa batas sa bagay na ito. Isampa muna ang kaso at iwasang maakusahan ng pamumuliti­ko. Sundin ang nararapat na proseso sa pangkalaha­tang kampanya ng bansa laban sa ilegal na droga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines