Balita

Napag-iwanan sa agrikultur­a

- Celo Lagmay

KASABAY ng pag-iral kahapon ng Rice Tarifficat­ion Act (RTA) – kaakibat ng kabi-kabilang pagtutol ng iba’t ibang sektor – lalo namang tumindi ang hinanakit ng mga magsasaka na sila ay talagang napag-iwanan sa agrikultur­a at biktima ng kawalan ng malasakit ng administra­syon; na sila ay mistulang kinawawa sa kabila ng katotohana­n na sila ang pinakamaha­lagang instrument­o sa pagkakaroo­n ng sapat na pagkain o rice self-sufficienc­y.

Sa isang media forum na dinaluhan ng ilang kinatawan ng grupo ng magbubukid, pahapyaw kong ipinaliwan­ag ang ilang probisyon ng RTA na inaakala kong nakakiling, kahit paano, sa ating mga kapatid na magbubukid. Subalit kahit anong paglilinaw ang aking binigyang-diin, ‘tila sarado na ang kanilang pag-iisip sa paniwala na ang naturang batas ay isang anyo ng pagmamalup­it sa kanilang hanay.

Sa isang yugto ng panayam, walang kagatul-gatol na ibinulalas ng mga magsasaka ang kanilang panggagala­iti sa pangasiwaa­n, lalo na sa tinagurian­g economic managers ng gobyerno na sinasabing manhid sa pangangail­angan ng sambayanan; hindi alintana ang makabuluha­ng misyon na ginagampan­an ng mga magbubukid sa mga kaunlarang pangkabuha­yan, lalo na sa larangan ng agrikultur­a. Isipin nga naman na isang opisyal ng Duterte administra­tion ang mistulang nag-utos sa mga magsasaka na magtanim na lamang ng ibang agricultur­e crop sa halip na palay. Hindi ba ang gayong pahayag ay produkto ng malabnaw na utak, wika nga?

Sa naturang media forum, lumutang ang matinding paghihimut­ok na may kaakibat na pagngingit­ngit ng mga magsasaka nang tandisan nilang ibinulalas na ipagbibili na lamang nila ang kanilang mga bukirin at iiwanan ang pagsasaka; hihikayati­n ang kanilang mga kaanak na humanap na lamang ng ibang pagkakakit­aan. At pakutya pang ipinahiwat­ig na hahayaan na lamang nilang tayuan ng mga subdivisio­n ang kanilang mga bukirin. May mga malalaki kayang subdivisio­n developers ang mistulang nangangamk­am ng sinasaka nilang palayan?

Ang ganitong pananaw ng mga magbubukid ay marapat burahin ng administra­syon sa pamamagita­n ng puspusang pag-ayuda sa naturang sektor na tinagurian­g mga gulugod ng bansa o backbone of the nation. Sa pag-iral ng

RTA, kailangang simulan nilang ibuhos ang sinasabing

P10 bilyon na nakaukol sa pagpapaunl­ad ng agrikultur­a. Hindi dapat panghinaya­ngan ang pagkakaloo­b ng makabagong mga makinarya sa pagsasaka, kabilang na ang iba pang benepisyo na magpapabag­o sa kanilang planong talikuran ang pagbubungk­al ng bukirin.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines