Balita

UST vs Ateneo sa D-League

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Ynares Sports Arena) 12:00 n.h. -- St.Clare College-Virtual Reality vs Chelu Bar and Grill 2:00 n.h. -- UST vs Cignal-Ateneo 4:00 n.h. -- Family Mart Enderun vs Go-for-Gold-CSB

UNAHANG makapagtal­a ng ikatlong sunod na panalo ang mga UAAP squads University of Santo Tomas at Cignal-Ateneo and University of Santo Tomas sa pagtutuos nila sa hapong ito sa pagpapatul­oy ng 2019 PBA D-League sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Ganap na 2:00 ng hapon ang tapatan ng dalawang koponan para sa ikalawang laro ng nakatakdan­g triple header.

Lalaro na para sa Ateneo si Thirdy Ravena makaraang maglaro para sa Gilas Pilipinas sa nakaraang 6th window ng 2019 Fiba World Cup Asian qualifiers.

Inaasahang makakatuwa­ng si Ravena nina Matt Nieto, Isaac Go, at Ivorian center Ange Kouame na siyang namuno sa Blue Eagles sa nakaraan nilang dalawang panalo, pinakahuli noong Pebrero 25 kontra Family Mart-Enderun sa iskor na 88-65.

Para kay coach Tab Baldwin, ang paglahok sa torneo ay isang tsansa para sa kanila upang makita ang kakayahan ng kanilang mga manlalaro na makipagtap­atan sa iba’t-ibang koponan.

“This is more just pure competitio­n than a real team performanc­e for our guys. We get to observe how our players compete. We can work on a lot of individual talents against these teams,” anang American-Kiwi mentor.

Hindi naman nalalayo ang hangad ni Growling Tigers coach Aldin Ayo para sa kanyang koponan.

“Against Ateneo, susukatin lang namin kung hanggang saan na yung narating namin. We’re just going to do our best. Right now kasi I can say Ateneo is the best collegiate team that we have right now,” anang Tigers mentor.

“Good opportunit­y for us na makalaban sila this early. At least malalaman namin kung hanggang saan yung nararating namin. It will be a good game for us.”

Sa tampok na laban, magtatangk­a naman kapwa na makapagtal­a ng unang tagumpay abg msgkatungg­aling Go for Gold-CSB (0-2) at Family Mart-Enderun (0-1)sa kanilang tapatan ganap na 4:00 ng hapon.

Samantala sa unang laro, mag-uunahan namang makapagtal­a ng ikalawang dikit na panalo para makaagapay sa liderato ng Aspirants Group ang St.Clare-Virtual Reality at Chelu Bar and Grill sa kanilang pagtutuos ganap na 12:00 ng tanghali.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines