Balita

Libreng medical services, inaksyunan ng GAB at AFP

- Ni EDWIN G. ROLLON

MAGING ang dental services ay libre na para sa mga profession­al boxers.

Sa binuong memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Games and Amusement Board (GAB) at Armed Forces of the Philippine­s, pagkakaloo­ban ng GAB ang mga profession­al boxers ng libreng dental services sa lahat ng AFP Dental Service sa buong bansa.

“Nakausap na po natin ang pamunuan ng AFP and Commission­er Eduard Trinidad already prepared the Memorandum of Agreement (MOA) so we can signed it anytime next week,” pahayag ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra.

“Malaking bagay ito sa ating mga boxers. Sa ngayon, boxers muna ang inilagay naming sa MOA dahil sila yung talagang apektado dahil sa mga laban. Other sports, isusunod natin ‘yan. Yung dental services ng AFP ay available sa kanilang mga kampo kaya madaling puntahan especially ng mga boxers natin sa probinsiya,” sambit ni Mitra.

Batay sa MOA, nakapaloob ang libreng serbisyo sa dental examinatio­n, oral prophylaxi­s, dental filling, tooth extraction, minor surgeries at dental x-ray.

“Ipinangako nain ito sa ating mga boxers na gagawina ng lahat para sa pakinabang­an ng lahat n gating mga atleta. Unahin lang muna naming ang boxers tapos sunod-sunod nay an para sa lahat ng pro athletes,” pahayag ni Mitra.

Sa pakikipagt­ulungan ng Department of Health (DOH) naisulong ng GAB ang libreng medical at drug test, gayundin ang MIR at CT-Scan para sa lahat ng atletang nasa pangangala­ga ng GAB.

“Ilan taon na rin po mula nangh maupo tayo sa GAB ay napagsilbi­han natin ng libreng medical an gating mga atleta,” sambit ni Mitra.

Bunsod nito, pinarangal­an ang GAB bilang ‘Commission of the Year’ sa ginana na World Boxing Council (WBC) Convention noong 2017 at ang programang librengf medical ay ginamit na template para s alhata ngmiyembro­ng bansa ng WBC.

Samantala, sinabi ni Mitra, nagsagawa ng serye ng pagpupulon­g ang GAB-Legal Division kasama ang Boxing & other Contact Sports Division at Medical Section para maamyendah­an ang rules and regulation­s sa profession­al boxing sa bansa.

Ang pagamyenda sa Article 64 ng GAB rules and regulation­s ay paraan upang mas maprotesyu­nan ang mga boxing ring officials hingil sa natatangga­p na profession­al fees sa mga prmoters.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines