Balita

Sophie, okay lang kahit second choice uli

- Ni NORA V. CALDERON

FOR the second time, no problem kay Sophie Albert kahit na second choice lang siya ulit sa role ng bago niyang teleserye sa GMA Network. Una niyang pinalitan sa GMA primetime telebabad si Winwyn Marquez nang mag-back out ito sa Pamilya Roces, dahil may mga daring scenes daw ang role na hindi niya kayang gawin.

Nang makausap nga namin noon si Sophie at tanungin kung bakit pumayag siyang maging second choice lamang, ay wala naman daw itong problema sa kanya, basta maganda ang role. In fairness kay Sophie, siya ang pinag-usapan doon dahil siya ang mistress ni Rocco Nacino na kalaban ng wife nitong si Carla Abellana, na stepsister niya. Wala ring pakialam si Sophie sa mga outfits and borloloy na ipinasuot sa kanya sa romcom.

This time, pasok naman si Sophie sa new Afternoon Prime drama series na Stolen na pagbibidah­an nina Max Collins at Jason Abalos at siya ang kontrabida sa buhay nila.

May post si Sophie sa kanyang Instagram wall na: “Mawawala talaga ang anak mo kapag hindi mo binantayan, tulad ng asawa mo” at “Ingatan ang mga taong malapit sa ‘yo dahil baka sa isang iglap, sila’y maglaho. May maglalaho ngayong Abril. #Stolen”.

Sa pagkakatao­ng ito ay pinalitan ni Sophie sa serye si Kim Domingo dahil ayaw nitong gumanap ng sensual scenes.

Masaya naman ang fans ni Sophie sa balita at aabangan daw nila ang bagong serye nito, namimiss na raw kasi nila si Sophie at gusto nang makita ulit sa telebisyon.

May TV plug na ang Stolen na tatampukan din nina Mark Herras, Neil Ryan Sese at marami pang iba.

 ??  ??
 ??  ?? Sophie
Sophie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines