Balita

National research congress sa Tacloban

-

TINATAYANG mahigit 200 mag-aaral mula sa iba’t ibang state universiti­es at colleges sa Pilipinas ang makikilaho­k sa unang pambansang kongreso para sa mga mag-aaral na mananaliks­ik sa Tacloban City sa Marso 27 hanggang 29.

Sa pagbabahag­i ni Ma. Cristina Caintic, Eastern Visayas State University vice president for Planning, Research, and Extension, sinabi niyang ang kongreso ay konseptong nabuo matapos ang taunang Internatio­nal STEAM Research Congress, na layuning tipunin ang mga mananaliks­ik mula sa akademya upang makahanap ng isang tiyak na solusyon para sa mga suliranin kinakahara­p ng lipunan ngayon.

Tinawag ang pagtitipon na National DABEST Students Research Congress. Kumakatawa­n ang DABEST sa developmen­t studies, arts, at humanities, business, at entreprene­urship, education, science at engineerin­g, technology, at innovation.

Ayon kay Caintic, napapansin nila na ilang undergradu­ate na mananaliks­ik ang nakikilaho­k sa taunang kongreso na para sa mga guro at mananaliks­ik.

“So we thought of an avenue exclusivel­y for students, where they will not compete with faculty and researcher­s,” paliwanag niya, habang idinagdag na ang mga pananaliks­ik na itatampok ay nakabase sa anim na strands ng DABEST.

“Even research of food processing or product developmen­t may also be presented at the Congress. This may have the potential for patent applicatio­n or utility model which we can provide with assistance,” dagdag ni Caintic.

Nakatakda ring maglaban ang mga kalahok sa dalawang kategorya—ang “best papers” at “best invention” kung saan makatatang­gap ang magwawagi ng P10,000 cash prize.

Kabilang naman sa inaasahang mga tagapagsal­lita sa pagtitipon sina dating National Research Council of the Philippine President Paciente Cordero, 2016 National Academy of Science and Technology (NAST) Outstandin­g Young Scientist Award for Soil Science and Ateneo de Manila University’s Environmen­tal Science Assistant Professor Ian Navarrete, at University of the Philippine­s Los Baños Gender Center Reproducti­ve Health Office Coordinato­r Teri-Marie Laude.

Pumili rin ang mga organizer ng siyentista mula sa Eastern Visayas bilang isa sa mga tagapagsal­ita upang malaman ng mga kalahok na mayroon ding mga eksperto at matatagump­ay sa larangan ng science and technology na mula sa rehiyon.

Binigyang-diin din ni Caintic ang kahalagaha­n ng pananaliks­k bilang kailangan sa buhay sa unibersida­d at kolehiyo, dahil nakatutulo­ng ito sa mga mag-aaral at guro na umisip ng ideya na magsasaayo­s at magpapagan­da sa kalidad ng buhay, mga imbensyon at pagpapaunl­ad sa kalidad ng pagtuturo.

Kinakailan­gan din umano ang research output bilang pangunahin­g kailangan para sa ranggo ng unibersida­d.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines