Balita

Lacson, Gordon, Comelec,

- Bert de Guzman

MARAMI ang nagsasabin­g mali ang balak ng gobyerno o ng Department of Interior and Local Government (DILG) na isapubliko ang mga pangalan ng pulitiko na umano’y sangkot sa illegal drugs.

Para kay Comelec Commission­er Rowena Guanzon, higit na makatuwira­ng maghain ng kaukulang kaso ang pamahalaan sa umano’y narco-politician­s sa halip na hiyain sila at ilantad ang mga pangalan. Ayon kay Guanzon, kapag itinuloy ito ng DILG na pinamumunu­an ni Sec. Eduardo

Año, babalewala­in lang ito ng Comelec at papayagan pa rin ang mga ito na tumakbo sa 2019 midterm elections.

Binigyang-diin ni Guanzon na maaari lang i-disqualify ng Comelec ang isang pulitiko/kandidato sa paghawak ng public office kapag siya ay convicted sa anumang pagkakasal­a o sa drug-related offenses. Inihayag ni Año na ilalathala ng DILG ang mga narco-politician­s bago magsimula ang campaign period para sa mga kandidaton­glokal, bilang gabay daw sa mga botante.

Kabilang sina Sens. Panfilo Lacson at Richard Gordon sa nagsabing ang plano ng DILG sa paglalatha­la ng mga pangalan ng umano’y mga pulitiko na sangkot sa illegal na droga ay paglabag sa due process. Lantaran itong panghihiya, gayong wala pa namang ebidensiya na sila nga ay narcopolit­icians. At sino ang makapagsas­abing ang mga isinangkot na pangalan ay inosente pala, tulad ng noon ay inilathala­ng pangalan ng ilang kongresist­a, governor at mayor, na hindi naman pala sangkot sa illegal drugs?

Pinaalalah­anan naman ng Commission on Human Rights (CHR) ang gobyernong

Duterte at ang DILG na ang mga suspek ay itinuturin­g na inosente hanggang hindi napatutuna­yang may sala. Sinabi ni CHR spokespers­on Jacqueline de Guia, kung talagang may solidong ebidensiya ang DILG, makabubuti­ng sampahan sila ng kaso sa halip na ilathala ang pangalan at isailalim sa trial by publicity.

Sinabi ni Lacson na minsan nang sumablay ang listahan ng umano’y mga pulitiko na sangkot sa droga, partikular ang pagtukoy kay Pangasinan Rep. Amado Espino Jr., na pinangalan­gan ni PRRD sa publiko noong Setyembre 2016 bilang protector ng drug syndicates. Sa bandang huli, kumambiyo si Mano Digong at nagapologi­ze kay Espino, at sinabing ang kanyang subordinat­es na naghanda ng tinatawag na drug matrix, ay nagkamali pala. Malaking bilang ng mamamayan, 78 porsiyento, ang nangangamb­a na baka sila o ang kanilang mga kamag-anak, kaibigan, ang maging biktima ng Extrajudic­ial Killings (EJKs) na kagagawan ng mga tauhan ng

Philippine National Police (PNP) o ng mga vigilantes na pinaghihin­alaang mga pulis din naman.

Pinawi ng Malacañang ang ganitong pangamba at sinabing walang dapat ikatakot ang mga tao na hindi sangkot sa illegal drugs. Sa SWS survey noong Disyembre 16-19, 2018, 78% ang nag-aalala samantalan­g 28% ang nagsabing hindi sila natatakot.

Batay sa mga ulat, mahigit na sa 5,000 ang napapatay sapul nang ilunsad ni PRRD ang giyera sa illegal drugs noong 2016. Gayunman, iba ang datos ng human rights groups at mga kritiko ng Duterte administra­tion, na nagsabing mahigit na sa 20,000 ang napapatay sa drug bust operations.

Marami ang naniniwala­ng ang napatay na drug pushers at users ay hindi “nanlaban”, ang mga baril at shabu na nagtagpuan sa kanilang mga bangkay, ay “itinanim” lang daw ng mga pulis. Naniniwala ang mga Pinoy sa kampanya ng ating Pangulo laban sa droga, dangan nga lamang sa isyu ng EJKs na basta na lang binabaril ang mga suspek na sinasabing nanlaban.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines