Balita

Jackie Forster, napalapit na kina Kobe, Andre

- Ador V. Saluta

SA wakas, dininig ng Diyos ang panalangin ni Jackie Forster na madestino sa Asia ang asawa niya para mapalapit siya sa mga anak na sina Andre at Kobe Paras.

Matapos ng isa at kalahating taong paniniraha­n sa London dahil sa trabaho ng kanyang asawa, lumipat na ang pamilya ni Jackie sa Guangzhou, China nitong Pebrero 17.

Dalawa at kalahating oras ang flying time mula sa Maynila papunta sa Guangzhou, at ‘di hamak na mas malapit ito kung ikukumpara sa almost 13 hours na London-Manila trip.

Gustung-gusto nang bumisita ni Jackie sa Pilipinas, pero hindi pa niya magawa dahil sa dami ng kanyang inaasikaso, kabilang ang pagaayos sa kanilang magiging bagong tahanan at pag-aasikaso sa school na papasukan ng tatlo niyang anak.

Nasanay na ang mga anak ni Jackie na palipat-lipat sa iba’t ibang bansa—sa Singapore, Malaysia, Mexico, London, at ngayon, sa China.

“I can’t leave any time soon because we are fixing our residence card. I think I can only travel to the US because of my passport.But also I need to accept our air freight and move into our permanent house in a few weeks.

“Jared just started school today so I’ve been busy with him. Kaya ‘di ako makaisip pa ng date (papunta sa Pilipinas), I’m not even sure if we can leave the country by Easter kasi 4-6 weeks ‘yung paperwork.

“One step at a time muna kami before making plans. Nakakalula sa dami!” sagot ni Jackie nang kumustahin ng Cabinet Files ang muling pagbisita niya sa Pilipinas at ang kalagayan ng kanyang pamilya sa bagong environmen­t nila.

Dahil malapit na sila sa Pilipinas, malaki ang posibilida­d na tanggapin ni Jackie ang mga showbiz/commercial offers para sa kanyang mga star-material na anak, basta hindi magkakaroo­n ng conflict sa pag-aaral ng mga bata.

Higit sa lahat, maligaya si Jackie dahil hindi na malayung-malayo ang distansiya nila nina Andre at Kobe sa isa’t isa, kaya tiniyak niyang mapapadala­s ang pagbabakas­yon nila sa Pilipinas ng kanyang asawa at mga anak.

 ??  ?? Kobe at Jackie
Kobe at Jackie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines