Balita

Libreng K-pop concert sa Manila, ngayong araw na!

- Ni JONATHAN HICAP

UPANG ipagdiwang ang 70th anniversar­y ng diplomatic relations sa pagitan ng South Korea at ng Pilipinas, magdaraos ng libreng K-pop concert sa Manila. Pinangunah­an ng K-pop groups na NCT

Dream, NOIR at APRIL ang 2019 K-pop Friendship Concert sa Manila na gaganapin ngayong araw, March 7, sa Mall of Asia Arena, na pamamahala ng Korea’s Ministry of Culture, Sports and Tourism (MCST).

Nagsimula ang diplomatic relations sa pagitan ng dalawang bansa noong March 3, 1949 nang kilalanin ng Pilipinas ang Republic of Korea, na itinatag noong Aug. 15, 1948. Ang Pilipinas ang unang ASEAN member at ikalimang sa mundo na kumilala sa bagong Korean government.

Sa kalagitnaa­n ng Korean War noong 1950s, nagpadala ang Pilipinas ng aabot sa 7,400 sundalo sa ilalim ng Philippine Expedition­ary Force to Korea (PEFTOK) para tumulong sa pakikipag;aban ng South Korea mula sa pananakop ng North Korea.

Anyways, ang NCT Dream, na nagdebut noong August 2016, ay unit ng NCT at binubuo ito nina Jaemin, Chenle, Jeno,

Jisung, Renjun at Haechan.

Ang NOIR naman ay binubuo nina Kim Yeonkuk, Lee Junyong, Shin Seunghoon, Nam Yunsung, Kim Siheon, Ryu Hoyeon, Kim Daewon, Yang Siha, at Minhyuk at nag-debut sila noong April 2018. Samantala, ang APRIL ay isang sixmember girl group na nag-debut noong August 2015 at binubuo nina Yena, Rachel, Jinsol, Chaekyung, Chaewon, at Naeun. Magtatangh­al din ang Pinoy rock band na Silent Sanctuary sa concert gayundin ang dance trio na VinSuriCha­n, na binubuo nina Vince Igno, Dasuri Choi, at Phoi Chan, na tanyag sa kanilang dance cover ng K-pop groups gaya ng Big Bang at Infinite.

 ??  ?? NCT Dream, NOIR at APRIL
NCT Dream, NOIR at APRIL

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines