Balita

Kylie Jenner, pinakabata­ng billionair­e sa mundo

-

N ITONG Martes ay kinilala si Kylie Jenner bilang ang pinakabata­ng selfmade billionair­e of all time ng Forbes magazine, salamat sa kanyang booming cosmetics company na itinatag niya tatlong taon na ang nakaraan. Ayon sa Forbes, siya ang youngest billionair­e sa buong mundo at ang pinakabata­ng self-made billionair­e sa kasaysayan.

Sa kanilang billionair­es list, inihihiwal­ay ng Forbes ang mga personalid­ad na nagmana ng kayamanan at mga taong kumita ng kanilang sariling pera. Si Kylie ang pasok sa 2,057th place kahit na self-made man o namana niya ang kanyang yaman. Noong nakaraang taon, may tinatayang

360 million sales ang Kylie Cosmetics, ayon sa Forbes. Pagmamay-ari ni Kylie, na may isang taong gulang na anak, ang kumpanya, 100 percent.

Kumikita rin siya mula sa mga endorsemen­t at paglabas sa Keeping Up with the Kardashian­s.

Noong nakaraang taon ay lumagda ang Kylie Cosmetics sa isang kasunduan sa Ulta Beauty Inc para ipagbenta ang kanyang mga produkto sa lahat ng 1,163 U.S. retailer stores.

Ang pinakamaya­mang tao pa rin sa buong mundo ay ang Amazon.com Inc Chief Executive Officer na si Jeff Bezos, na may net worth na $131 billion, ayon sa Forbes.

Ang Microsoft Corp co-founder na si Bill

Gates pa rin ang nasa No. 2 position na may aabot sa $96.5 billion yaman.

Bumaba naman ng tatlong puwesto ang Facebook founder at CEO Mark Zuckerberg at napunta sa No. 8 spot, dahil nabawasan ang yaman niya ng $8.7 billion mula sa dating $62.3 billion.

 ??  ?? Kylie
Kylie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines