Balita

‘Big’ plans ni Selena, kaabang-abang

-

2019 will be the year of Selena Gomez!

Sitsit ng source sa Entertainm­ent Tonight, abala ang 26 taong gulang na singer sa pagre-record sa studio at pagsusulat ng mga bagong kanta, at ginagawa niya ang lahat ng makakaya para gawing makabuluha­n ang taong ito para sa kanya.

“2019 is going to be a big year for Selena and her career,” lahad ng source. “Selena is in a really good place.”

Matatandaa­n na nakumpleto na si Selena ang kanyang therapy sa mental health facility noong Disyembre. Ang dating Disney star, na may sakit na Lupus at sumailalim sa kidney transplant, ay isinugod sa ospital dalawang buwan bago siya sumailalim sa therapy.

Sa ngayon, bukod sa paggawa ng bagong awitin, abala rin si Selena sa iba’t iba niyang hobbies at lagi niyang kasama ang kanyang mga kaibigan. “Selena is working out a lot, taking different workout classes and hiking,” lahad ng source. “She has also been spending time with her close friends, most who aren’t in the Hollywood scene.”

“Selena does a good job of hanging out with people who aren’t in Hollywood -- it’s always been her thing,” dagdag pa ng source. “She has famous friends, but the friends that keep her grounded have been around forever and Selena can be her true self [around them].”

Noong nakaraang buwan, nagpahagin­g si Selena sa kanyang fans tungkol sa bago niyang single, ang I Can’t Get Enough, kasama sina J Balvin, Tainy at Benny Blanco.

Ang track ay inilabas ilang linggo matapos niyang makipagkol­aborasyon kay Julia Michaels para sa groundbrea­king track na may titulong Anxiety, ang disorder na mayroon si Selena at isinapubli­ko niya in the past. Ang kantang ito ang marka ng official comeback sa musika ni Selena, makaraang saglit na lumayo spotlight.

 ??  ?? Selena
Selena

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines