Balita

LAMAY BINISTAY, 4 PATAY

- Ni DANNY ESTACIO

INFANTA, Quezon – Apat na magkakamag-anak ang napatay at dalawa pa ang nasugatan nang pagbabaril­in ng isang hindi pa nakikilala­ng suspek ang mga naglalamay sa Infanta, Quezon, nitong Miyerkules ng gabi.

Sina Herman Cuento, 70; Leon Cuento, 73; Manuel Cuendo, 41, at Michael Cuento, 50, pawang taga-Sitio Irrigation, Barangay Ilog, ay dead on arrival sa sa Claro M. Recto Memorial District Hospital, ayon kay Police Col. Osmundo de Guzman, Quezon Provincial Police Office director.

Sugatan naman sina Maximo Cuento, 65, at residente ng Bgy. Ilog at Napoleon Miras, 68, kapitan ng Bgy. Poblacion 1 ng naturan bayan.

Mabilis na tumakas ang suspek na armado ng kalibre .45 at nakasuot ng bonnet, sakay ng gateway motorcycle.

Bigla na lamang umanong pumasok ang suspek sa lugar ng lamayan at unang binaril si Michael.

Nang bumagsak, nilapitan pa ito ng suspek at muling binaril nang ilang ulit, dakong 8:45 ng gabi.

Natamaan naman ng ligaw na bala ang iba pang biktima.

Ayon pa kay De Guzman, si Michael, ay nagtatraba­ho bilang driver ng mayor’s office sa nasabing bayan.

Sa rekord, dati nang tinambanga­n si Michael noong 2016 election period ngunit nakaligtas ito.

Sinisilip pa rin ng mga imbestigad­or ang mga posibleng motibo sa krimen.

Sinabi pa ni De Guzman, ang biktima ay isa ring manager ng Infanta-Small Town Lottery (STL).

 ?? JUAN CARLO DE VELA ?? TUYO’T BITAK Dahil sa matinding init ng panahon, nagkabitak-bitak ang lupa sa Buhisan Dam sa Cebu City, na ang average distributi­on kada araw ay 6,000 cubic meter, pero ngayon ay bumaba sa 1,800 cubic meter.
JUAN CARLO DE VELA TUYO’T BITAK Dahil sa matinding init ng panahon, nagkabitak-bitak ang lupa sa Buhisan Dam sa Cebu City, na ang average distributi­on kada araw ay 6,000 cubic meter, pero ngayon ay bumaba sa 1,800 cubic meter.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines