Balita

Eleazar, kinampihan sa pananabuno­t

- Nina ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS, BETH CAMIA, CHITO A. CHAVEZ, JUN FABON, at FER TABOY

Dinepensah­an ni Pangulong Duterte si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Guillermo Eleazar makaraang batikusin ang huli sa naging aksiyon nito sa pulis na sangkot sa kotong.

Nagbigay ng pahayag si Duterte matapos na mapanood si Eleazar na pinagmumur­a at dinuro si Police Officer 2 Marlo Quibete, ng Eastern Police District’s (EPD) drug enforcemen­t unit (DEU), dahil sa umano’y pangongoto­ng sa pamilya ng drug suspect.

Sa kanyang talumpati sa Malacañang, nitong Miyerkules ng gabi, sinabi ni Duterte na tama lang ang ginawa ni Eleazar sa pulis dahil mayroon pa ring mga police officers na sangkot sa iregularid­ad.

“Ilan na lang natitira na puro matitino na? Kaya itong pulis, everyday there’s always an idiot. Nahuhuli,” aniya.

“Yung isa was being ---- ano ni Eleazar. He was criticized for that. Sabihin mo kay Eleazar, okay yun,” dagdag niya.

“Eh ano ba naman yung ganunganon? Sumasayaw nga sila ng tao. Sabihin mo I have his back covered,” pagpapatul­oy ng Pangulo.

SUPORTADO NG DILG

Sa kabila ng kritisismo ng Commission on Human Rights (CHR), nagpahayag ng suporta si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año kay Eleazar.

Ayon kay Año ang ginawa ni Eleazar ay “manifestat­ion of his frustratio­n over police scalawags in his unit who continue to tarnish the image of the entire Philippine National Police.”

“There is no place in the PNP for police scalawags, especially those who extort money from drug personalit­ies,” ani Año. WALANG MASAMA —NAPOLCOM

Wala umanong masama sa ginawa ni Eleazar kay Quibete, ayon sa National Police Commission (Napolcom).

Ayon kay Napolcom Region 6 Director Atty. Joseph Celes, ang bawat pulis ay nararapat na disiplinah­in ng mataas na opisyal.

Ayon pa sa Napolcom, nararapat lang ginawa ni Eleazar upang hindi pamarisan ng ibang mga pulis.

HUMINGI NG PAUMANHIN Samantala, humingi ng paumanhin si Eleazar sa kanyang ginawa, ngunit sinabing tama lamang iyon dahil ang mga pulis ay hindi dapat “treated as babies”.

“Humihingi ako ng paumanhin kung ‘di ako nakapagtim­pi at nailabas ang aking emosyon,” aniya.

“Kinwelyoha­n ko, tiningala ko ang mukha, at dinuro-duro ko. Eh dapat lang,” dagdag niya.

 ?? CZAR DANCEL ?? KOTONG AT KIDNAPPING Iniharap kahapon sa media ni (NCRPO) director, Police Major General Guillermo Eleazar ang pitong pulis-Las Piñas na akusado sa kidnap-for-ransom, sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City.
CZAR DANCEL KOTONG AT KIDNAPPING Iniharap kahapon sa media ni (NCRPO) director, Police Major General Guillermo Eleazar ang pitong pulis-Las Piñas na akusado sa kidnap-for-ransom, sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines