Balita

Cristine, ginagawa lahat para sa anak

- Ni REGGEE BONOAN

ISANG araw lang nagpahinga si Cristine Reyes simula nang dumating siya nitong Lunes galing sa Georgia, kung saan sila nag-shoot ni Xian Lim ng Untrue, produced ng Viva Films.

Miyerkules ay ratsada na sa trabaho ang aktres para sa mediacon ng upcoming movie niyang Maria sa tanghali, at advance screening naman kinagabiha­n na ginanap sa UP Film Center.

Sabi sa amin ng Viva adprom for TV, may TVC shoot pa si Cristine kaya nagmamadal­i siyang umalis sa mediacon.

Pero bago naman nakaalis ang aktres, na kulay ngayon ang buhok, nasagot niya ang lahat ng tanong ng media sa kanya, gaya ng kung paano siya nag-training at sino ang nag-train sa kanya para sa action scenes niya sa Maria, isang action/thriller film.

“Extensive training” ang termino ni Cristine sa mga action scenes niya, sa tulong ng kilalang Hollywood stunt performer-actor, at mixed martial arts trainer na si Sonny Sison.

Si Sonny ang binanggit ni Robin Padilla sa presscon ng Bato: The Ronald dela Rosa Story, na kasama niyang nag-pitch ng Buy Bust—na iba pa ang titulo noon—kay Viva Boss Vic del Rosario,

na gustong gumawa ng aktor ng action film na magpapakil­ala sa Filipino martial arts sa Asya.

“A month of training kay Kuya Sonny and madali naman siyang kunin. Madali siyang mapick-up,” sabi ni Cristine.

Isa pang naging inspirasyo­n ni AA (palayaw ni Cristine) sa paggawa ng action film ay ang idolo niyang si Angelina Jolie.

“Idol ko kasi siya. Kaya ako may mga tattoo because of her kasi ang astig-astig niya. Kaya noong sinabi sa akin na gagawa ako ng action film, for me parang ‘wow! sige, I wanna do this’. I’m so open about this,” kuwento ng aktres.

Habang sinu-shoot ang mga eksena ay nagugulat din si Cristine sa sarili niya, dahil hindi niya inaasahang makakagawa at matatapos niya ang pelikula.

“Kasi rito sa atin laging lalaki ang gumagawa ng action film. Kaya for me noong sinabi sa akin na gagawa ako ng action film, sabi ko ‘sige, game!’,” say pa ng aktres.

Ano ang kaabang-abang sa Maria?

“Well, for mommies, ang kailangang abangang eksena ay ‘yung eksena ng family namin, lalo na ‘yung may nangyaring trahedya sa anak ni Maria. Kaabang-abang ‘yun. ‘Yung revenge ng isang nanay.

“Sa mga action fanatics, abangan nila ‘yung fight scenes namin, most especially ‘yung favorite na sabi nila na scene namin ni Jennifer (Lee) sa club,” pasilip sa pelikula na kuwento ng mama ni Amara.

Nakilala si AA bilang sexy actress, pero kahit walang sexy scenes sa Maria

ay marami pa rin ang naseksihan sa kanya.

“Nasa pagdadala ‘yun ng tao,” sabi ni Cristine.

Edad 30 na si Cristine, at inamin niyang seryoso na siya ngayon sa lahat ng bagay, hindi tulad dati. Pero ngayon na may anak na siya ay nag-iba na ang pananaw niya sa buhay.

“Alam mo like paano ba sa life, work? Ngayong 30 na ako, iba na ang outlook mo sa buhay. Hindi ka na naghahanap ng kasiyahan sa buhay. Ang hinahanap mo na ngayon ay kung ano ‘yung (makapagpas­aya sa anak mo).

“Actually, wala akong hinahanap sa buhay. Dati kasi noong bata ako parang ayaw kong magtrabaho. Bakit ba ako nagtatraba­ho? Ngayon parang [sinasabi mo sa sarili mo] ‘no, I need to work’. Wala nang fun for me, huh. Gusto ko nang umuwi, gusto ko nang makita daughter ko, ganoon na.

“Ever since naman po ako ang nagwo-work for myself. And I can really say that I’m selfmade. And ever since I started working for 15 years, ever since 2003, I also help my family and nobody really help me financiall­y,” kuwento ng aktres.

Nang magdiwang siya ng kanyang 30th birthday nitong Pebrero 5 ay sa Boracay Island niya ito ipinagdiwa­ng kasama ang anak.

“Yes, 30 na ako at I thought I need to have a quality time with my sisters—Ara and Heidi.

Then after niyon bumawi naman ako kay Amara sa Boracay. Mother and daughter time. Kasi bugbog ako ngayon (sa trabaho). Blessings naman, kaya okey lang. And at the same time gusto ko pa rin ng quality time with my family and my daughter.

“Sobrang sarap. Kung puwede lang na arawaraw kasama ko siya. Wala tayong magagawa, eh, working mom tayo. Kailangan talaga magtrabaho, eh. Pero in-explain ko naman sa kanya,” kuwento ng aktres.

Sa buong mediacon ay hindi nagawang itanong kay AA ang tungkol sa asawang si Ali Khatibi, at kung totoo ang tsikang hiwalay na sila. Hindi rin naman nabanggit ng aktres si Ali mula umpisa hanggang matapos ang event.

Anyway, mapapanood na ang Maria sa Marso 27, sa direksiyon ni Pedring Lopez,

na siya ring nagsulat at nag-conceptual­ize ng movie, kasama sina YZ Carbonell at Rex Lopez,

produced ng Viva Films.

Kasama rin sa pelikula sina Freddie Webb, KC Montero, Ivan Padilla, Jennifer Lee, Cindy Miranda, Guji Lorenzana, Johnny Revilla, Sonny Sison, Ronnie Lazaro at iba pa.

 ??  ??
 ?? Cristine ??
Cristine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines