Balita

JK, dinepensah­an ang sarili

- Ni NITZ MIRALLES

DINEPENSAH­AN ni Juan Karlos Labajo ang sarili sa bashers na nagalit sa kanya matapos niyang murahin ang fan na sumigaw ng “I love you, Darren” habang kumakanta siya sa concert nila ng kanyang banda.

“’Wag kang manghusga ng tao dahil lang sa mga video na nakikita mo. Lalo na kung hindi mo alam ang tunay na konteksto,” sabi ni JK.

“Tsaka hindi porket nagmumura, masama na ang ugali. Lumaki na ang ulo. Linis-linis n’yo naman, mga santo pala kayo. Sa Pilipinas lang pinaka-big deal ‘pag nagmura ang isang artist. Bakit kaya?

“I’m a chill guy but then for sure hindi lang ako ang tao na napupuno rin. Obviously as a performer what I did was unprofessi­onal but as a human being I think what I did was normal.

“’Yun ‘yung problema, eh, sobrang daming mga bastos at walang modo sa mga shows. Naghahanap ng paraan para mapansin. Mga asal-hayop. Kaya pala hindi umuunlad ang ating bansa.

“Tsaka oo nga pala. People need to learn that there are different personalit­ies, that me personalit­y as an artist have. The me off stage, and the moth ***** ker you see on stage.

“I’d rather have you judge me if you know me well. If you know me personally. If you’ve been with me and my band somewhere na wala kaming ganap.

“Mahirap na magaya kayo sa iba na kung ano ang nakikita sa mga video na kumakalat, grabe na agad makapangla­it. Na kung ano ang chika-chika na naririnig, grabe na agad makapanghu­sga. Agree ako sa sinabi ni Atty. Larry Gadon.”

Dala na rin siguro sa kasikatan ng kantang Buwan ni JK kaya naba-bash siya. Ang kapalit ng bashing, mas galingan pa niya ang performanc­e niya at gumawa siya ng marami pang magagandan­g kanta. Sigurado, pati bashers niya makikikant­a sa mga compositio­ns niya.

 ??  ??
 ?? JK ??
JK

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines