Balita

Mga pulitiko sa narco-list, iimbestiga­han

- Jeffrey G. Damicog at Chito A. Chavez

Tiniyak kahapon ni Justice Secretary Menardo Guevarra na iimbestiga­han ang mga pulitikong nasa ilalabas na narco-list ng pamahalaan.

“Once the list is made public, we shall request the sources of the informatio­n (Philippine National Police, Philippine Drug Enforcemen­t Agency and local government units) to provide us with copies of their intelligen­ce reports,” ani Guevarra.

Sinabi ng kalihim na aatasan niya ang National Bureau of Investigat­ion (NBI) upang mangasiwa sa gagawing pagsisiyas­at.

Aniya, kapag nakitaan ng sapat na ebidensiya ay kakasuhan ng DoJ sa hukuman ang mga pulitikong nasa narco-list.

Matatandaa­ng inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na isapubliko ang narco-list.

Depensa naman ni Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo, layunin lang ng pagsasapub­liko sa listahan na i-discourage ang mga botante na huwag iboto sa Mayo 13 ang mga kandidaton­g sangkot sa droga.

Sinabi naman ni Guevarra na maaaring gumamit ang mga imbestigad­or ng wiretapped recordings mula sa mga foreign government­s kung gagamitin ito bilang basehan ng nabanggit na listahan.

Gayunman, pinabulaan­an kahapon ng PDEA na “wiretapped” ang impormasyo­ng pinagbaseh­an ng narco-list.

Ayon kay PDEA Director at Spokesman Derrick Arnold Carreon, “as far as PDEA is concern the narcolist came from its counterpar­ts from the local anti-narcotics agencies’’.

Sinegundah­an naman ito ni PDEA Director General Aaron Aquino.

“Wala po kami natatangga­p na mga informatio­n or intelligen­ce regarding sa narco-list na nanggagali­ng po sa ibang bansa,” ani Aquino.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines