Balita

K to 12, palpak nga ba?

- Vanne Elaine P. Terrazola

Nanawagan nitong Miyerkules si Senador Sherwin Gatchalian na repasuhin ang K to 12 basic education program ng bansa sa gitna ng bumababang performanc­e ng mga estudyante matapos itong ipatupad.

“We have to review the K to 12 curriculum. We have to review rin kung yong tinuturo sa tech-voc sa ating K to 12 ay ‘yong kailangan ng mga industriya,” ani Gatchalian, namumuno sa pagdinig ng Senate education subcommitt­ee kaugnay sa estado ng Philippine education system, nitong Miyerkules ng hapon.

Sa subcommitt­ee hearing, binanggit ng senador ang mga pigura ng Department of Eucation (DepEd) na nagpapakit­a ng “low proficient” ng Grade 6 at Grade 10 students mula 2016 hanggang 2017.

“Honestly, ang over-all assessment ay hindi maganda dahil ang National Achievemen­t Tests (NAT) natin ay naglalaro sa 40 percent lang for Grade 6 and Grade 10 at nakita pababa siya nga pababa so this quite alarming,” ani Gatchalian, idiniin na ang proficienc­y rates sa mga nakalipas na taon ay nasa 60 porsiyento.

Bukod sa low proficienc­y rates ng K to 12 students, naobserbah­an din ni Gatchalian ang “misalignme­nt” ng programa at ng mga kailangan sa mga industriya para sa trabaho.

“Dahil yong curriculum ngayon na kailangan sa K to 12 hindi naman tinuturo sa kolehiyo,” paliwanag niya.

Inamin naman ni DepEd Assistant Secretary Alma Rubitorio sa pagdinig na marami pa ang kailangang gawin at dapat ayusin sa K to 12 program.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines