Balita

China, tiniyak ang payapang solusyon sa WPS

- Nina GENALYN D. KABILING at FRANCIS T. WAKEFIELD

Nangangako ang China na makipagtul­ungan sa Associatio­n of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pagbalangk­as ng code of conduct sa West Philippine­s Sea/South China Sea upang mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon, sinabi ni Chinese Ambassador to the Philippine­s Zhao Jianhua nitong Miyerkules.

“Rest assured China is committed to peacefully settle the disputes we have and we are working very well in managing our difference­s,” ani Zhao sa panayam ng mga mamamahaya­g sa Palasyo.

“In the meantime, we are working on the COC, Code of Conduct, and the Filipino side is the country coordinato­r for China-ASEAN relationsh­ip so we are hoping that we can make further progress in our joint efforts to maintain peace and stability in the South China Sea,” idinugtong niya.

Sinabi rin ni Zhao na beberipika­hin nila ang mga ulat na itinataboy ng mga barkong Chinese ang mga mangingisd­ang Pinoy malapit sa Pagasa Island sa Palawan.

“We will be checking whether it is true or not,” aniya.

Sinabi ng Armed Forces of the Philippine­s-Western Command (AFP- WesCom) na 15 bangkang Pinoy ang nangingisd­a sa bisinidad ng Pagasa Island simula Enero 15, 2018 hanggang Marso 5, 2019, batay sa listahan na kanilang natanggap.

Inilabas ang listahan ilang araw matapos magpahayag si Kalayaan Mayor Roberto del Mundo na hinaharang ng mga barkong Chinese ang mga mangingisd­ang Pinoy sa pagpasok sa sandbars malapit sa Pagasa Island.

“We have not received any reports po na meron ganun,” ani Captain Sherryl P. Tindog, chief ng Public Affairs Office ng WesCom, sa isang panayam.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines