Balita

Tax evasion vs 24 business executives

- Jun Ramirez

Kinasuhan kahapon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng tax evasion ang 24 na business executives sa Makati, kabilang ang pinsan ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay Makati Revenue Regional Director Glenn Geraldino, ang kaso ay isinumite sa Department of Justice (DoJ) matapos na iulat na binalewala ng mga respondent­s ang assessment and collection notices upang magbayad ng pinabayaan­g mga account na nasa mahigit P1 bilyon.

Kinilala ang mga respondent­s na sina Alejandro Tengco, Ramon Conjuangco, Jr., Mario Locsin, Manuel Dinio; president, chairman of the board, vice president at treasurer, ayon sa pagkakasun­od, ng Auto Sports 24 Corporatio­n of Magallanes Village, Makati; Rizalyn Aligante at Jennilyn Lapus, president at treasurer, ayon sa pagkakasun­od, ng City Delight Mercantile of Goodyear Park Subdivisio­n, Las Piñas City; Paula San Agustin, Margarita Vela at Susan Carasig, president, secretary at finance officer, ayon sa pagkakasun­od, ng Concept Placement Resources of Magallanes, Makati.

Cojuangco, may-ari ng isang highend resort sa Boracay, ay pinsan ni dating Pangulong Aquino.

Farid Nasser, Pascual Pastor at Roberto Artadi, president, vice president at treasurer, ayon sa pagkakasun­od, ng Crown Realty Company sa Pasong Tamo, Makati; Kasigod Jamias at Michael Luna, president at treasurer, ayon sa pagkakasun­od, ng Heltgard Hygiene Systems sa Soldiers Hills, Muntinglup­a City; Jesse Young, Francis Chung at Myra Quinonez, president, vice president at treasurer, ayon sa pagkakasun­od, ng Metals and Wires Manufactur­ing sa Bicutan, Taguig City; Claudio Altura, Albert Altura at Cornelio Caedo; chairman, president at treasurer, ayon sa pagkakasun­od, ng Ski Constructi­on Group sa Paseo De Roxas.

Emerlita Serrano, Edelito Badua at Delio Sumulde, president, vice president at treasurer, ayon sa pagkakasun­od, ng Starsky’s Entertainm­ent sa Poblacion, Makati; at Anthony Torres, may-ari ng Monty’s Meat Shop sa Magallanes, Makati.

“The respondent­s’ failure and continued refusal to pay their long overdue deficiency taxes, despite repeated demands, constitute willful failure to pay the taxes due the government,” ayon sa BIR.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines