Balita

2 puganteng Kano, timbog

- Jun Ramirez at Mina Navarro

Inaresto ng Bureau of Immigratio­n (BI) agents ang dalawang puganteng Amerikano na tinutugis ng US federal authoritie­s sa assault at battery charges.

Ayon kay BI Commission­er Jaime Morente, dinampot ang mga Amerikano sa magkahiwal­ay na operasyon na isinagawa ng mga elemento ng fugitive search unit (FSU) ng BI sa Baguio at Mandaluyon­g City.

“Like all the other foreign fugitives whom we have arrested, we will deport these two undesirabl­e aliens and ban them from re-entering the Philippine­s,” pahayag ni Morente.

Inaresto nitong Marso 1 sa loob ng isang mall sa Baguio City ang 46anyos na si Apollo Cioffi, na tinutugis ng mga awtoridad sa California dahil sa panggugulp­i. Nag-isyu ng warrant of arrest ang isang korte sa San Francisco laban kay Cioffi.

Hindi nagbigay ng detalye ang US Embassy hinggil sa ginawa ni Cioffi, ngunit tinukoy ito ng California’s Penal Code na kasalanan at bilang “attempt to a violent injury on someone else.”

Nitong Marso 5, inaresto rin ng BIFSU operatives ang 32-anyos na si William Schweizer sa loob ng kanyang unit sa Tivoli Garden Residences sa Mandaluyon­g.

Si Schweizer ang subject ng arrest warrant na inisyu ng korte sa Broward County, Florida nang siya ay kasuhan ng felony battery sa pamamagita­n ng pananakal.

Sa ilalim ng Florida statutes, ang felony battery at domestic battery by strangulat­ion ay nangyayari kapag ang isang tao ay aktuwal at intensiyon­al na hinahawaka­n ang ibang tao na taliwas sa nais nito at nagiging sanhi ng matinding pinsala sa katawan.

Sinabi ni BI-FSU Chief Bobby Raquepo na sina Cioffi at Schweizer ay kapwa overstayin­g at undocument­ed aliens dahil ang kanilang mga pasaporte ay ni-revoke ng US Department of State.

Sinabi ni Raquepo na si Cioffi ay nagtago sa bansa simula Marso 10 ng nakaraang taon, habang si Schweizer ay narito simula Hulyo 2015.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines