Balita

‘Life below water’ tuon ng World Wildlife Day

- PNA

NANANAWAGA­N ang Biodiversi­ty Management Bureau (BMB) ng Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR) sa lahat ng sektor na higit pang tumulong sa pag-aalaga ng wildlife sa bansa at pagprotekt­a nito mula sa ilegal na bentahan, pagkasira ng kalikasan at iba pang banta.

“Humans, being the highest form of life, are tasked to protect, conserve and properly manage other forms of life,” pahayag ni BMB Director Crisanta Marlene Rodriguez nitong Martes, sa pagdiriwan­g ng 2019 World Wildlife Day (WWD) sa Quezon City.

Aniya, anumang pagkasira o pagkawala ng halaman at mga hayop ay may kaakibat na epekto sa biodiversi­ty at ecosystem na nagbibigay ng pagkain, hilaw na materyales, proteksiyo­n mula sa anumang element, at iba pang benepisyo.

Bahagi naman ng pagdiriwan­g ang pagbibigay ng Wildlife Law Enforcemen­t Award, ang taunang opisyal na pagkilala ng BMB at Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR) sa mga sektor at samahan na may mahalagang ambag sa pagpapatup­ad ng batas at panuntunan sa wildlife.

Pinangunah­an nina Rodriguez, DENR Assistant Secretary Ricardo Calderon at USAID project representa­tive Randy Vinluan ang pagbibigay ng karangalan ngayong taon para sa 44 na tauhan ng Bureau of Customs (14 awardees), National Bureau of Investigat­ion (21 awardees), Philippine National Police (anim na awardees), Department of Agricultur­e (isang awardee), at probinsiya ng Cebu (dalawang awardees).

“Wildlife law enforcemen­t isn’t just the work of DENR but of different agencies as well,” pahayag ni Calderon.

Ang sama-samang aksiyon ay mahalaga lalo’t ang illegal wildlife traffickin­g ay isang multi-million dollar na aktibidad na kinasasang­kutan ng ipinagbaba­wal na kalakalan na nagaganap sa mga border ng bansa, aniya.

Kabilang sa mga napagtagum­payan ng mga kinilala ngayong taon ang pagkakaare­sto ng 15 wildlife crime perpetrato­rs, gayundin ang pagkakakum­piska ng 2,214 na iba’t ibang klase ng wildlife, 3,400 plant pieces at higit 115 kilo ng hilaw at lutong karne ng marine turtle na nagkakahal­aga ng halos P57 milyon, pagbabahag­i ng BMB.

Nakatulong din umano ang operasyon ng mga awardees sa pagsasampa ng pitong kaso laban sa 15 suspek kung saan naresolba na ang isa.

Nasa 365 na tao na ang nakatangga­p ng Wildlife Law Enforcemen­t Award sa nakalipas na limang taon, ayon pa sa BMB.

Bukod sa pagiging isa sa Sustainabl­e Developmen­t Goals, ang ‘Life below water: for people and planet’ tema ngayong taon ng taunang WWD.

Ayon kay Rodriguez, ito ang unang pagkakatao­n na tumuon ang WWD sa mga lamang-dagat. “The celebratio­n underscore­s importance and value of marine wildlife to our day-to-day lives,”aniya.

Ang ilegal, walang permiso at walang regulasyon­g pangingisd­a at iba pang aktibidad ng tao ang ilan sa mga banta sa Philippine marine species, giit niya.

“Life below water now faces danger,”paalala niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines