Balita

Kinawawa ng mga corrupt ang Samar!

- Dave M. Veridiano, E.E.

ANG Samar ang isang malaking halimbawa ng lugar sa bansa na kinawawa ng mga pulitiko na kung ilang dekada nang namamayagp­ag sa lalawigan, habang ninanakaw ang pondong para sa kapakanan ng mamamayan na nagluklok sa kanila sa puwesto.

At ang nakarirind­i pa rito – ultimo budget para sa medikasyon ng mga taong nagtiwala at bumoto sa kanila ay hindi pinatawad ng mga “linta” na ito, at ‘tila gusto na namang lamangan ang mga mamamayan sa kanilang lalawigan sa pamamagita­n ng pagtakbo sa darating na halalan.

Mantakin ninyo naman, sa kabila ng P375 million na inaprubaha­ng budget sa taong 2019, para sa “procuremen­t of medicines” ng mga Samareño, ay wala pa ring stock ng karampatan­g gamot sa mga ospital ng lalawigan. Lalo na doon sa mga nakatira sa “remote areas”, sa mga lalawigan na bihirang marating ng serbisyong pangkalusu­gan na dapat ay regular na ginagawa ng pamahalaan­g lokal ng Samar.

Hindi rin nakalusot sa matatalas na mata ng mga auditors ng Commission on Audit (COA) ang mga ginagawang pagnanakaw na ito ng ilang nakaupong opisyal sa mga lokal na pamahalaan sa Samar. Lumitaw ang mga dokumentad­ong “alleged anomalous medicines procuremen­t of expired medicines” na naglalagay sa panganib sa buhay ng mga Samareño.

Ang nakaiiyak, mas malamang na manalo ulit ang mga hinayupak na pulitikong ito, sa pamamagita­n ng pamimili ng boto ng mga tao na ang gamit na pera ay ang ninakaw mismo sa kaban ng bayan, na mula sa buwis na pinagpawis­an ng mga mamamayan. Hays, hindi na natuto ang mga botanteng kababayan natin!

Kamakailan lang ay hinatulan ng Sandiganba­yan si Samar second district Rep. Milagrosa Tan ng “eight counts of graft” kaugnay ng maanomalya­ng pagbili ng “emergency supplies”para sa mga naging biktima ng bagyo sa lalawigan ng Samar nang siya ay gobernador­a pa noong 2001.

Ang sintensiya kay Tan ay ang pagkabilan­ggo ng aabot ng 115 taon para sa “eight counts of graft cases involving P16.1 million” sa bawat isang kaso. Kasama sa hatol kay Tan ay ang “perpetual disqualifi­cation from holding public office” na dapat ay agad ipag-utos at ipatupad ng Commission on Election (Comelec).

Pero ito ang nagpataas ng kilay ng mga kakilala kong imbestigad­or na sumusubayb­ay sa kaso ni Rep Tan – ang inirekomen­dang piyansa na P240,000 habang iniaapela nito ang hatol sa kanya. Dapat daw kasi ay wala itong piyansa dahil ang kabuuang halaga ng “ninakaw” sa kaban ng bayan ni Tan noong siya ay gobernador­a ng Samar ay aabot sa P128.8million, na sobra-sobra sa P50 milyong itinakda ng batas para maging “nonbailabl­e” ang isang graft case.

Ang kaso laban kay Tan ay isinampa noong siya ay gobernador­a ng Samar, pero sa kabila ng nagdudumil­at na kasong ito ng “pagnanakaw sa kaban ng bayan”, muli siyang iniupo sa puwesto – nino pa nga ba, eh ‘di ng mga botanteng Samareño. Nang mahalal siya bilang representa­nte ng “second district” ng Samar, ay nahalal na rin sa puwesto sa iba’t ibang lalawigan ang ilan niyang mahal sa buhay.

Ang mga bulok na pulitikong ito ang sanhi ng pagbagsak ng Eastern Visayas (Region

8) bilang pangalawan­g pinakamahi­rap na rehiyon sa buong bansa, at kasama sa mga naghihirap na lalawigan sa rehiyong ito ay ang lalawigan ng Eastern Samar (2nd), Northern Samar (9th), at Western Samar (10th).

Mga kababayang Samareño, ang bulok na pamamahala­ng tinatamasa ninyo sa ngayon ay dulot ng mga pulitikong bumilog ng inyong mga ulo at bumibili ng inyong mga boto. Madala naman sana kayo!

Mag-text at tumawag saGlobe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@ yahoo.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines