Balita

Narcolist, death warrant sa kalaban

- Ric Valmonte

NITONG nakaraang linggo, sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na makikipagp­ulong siya sa mga opisyal ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) at Dangerous Drugs Board bago isapubliko ang mga pangalan ng mga pulitikong may koneksiyon sa mga sindikato ng droga. Sisiguruhi­n niya raw na ang listahan ay maingat na rerepasuhi­n, ayon sa utos ni Pangulong Duterte. Wala naman daw nakikitang masama si Mayor Sara Duterte na ilathala ang listahan,

basta iyong mga pulitikong nasa listahan ay bigyan lang ng pagkakatao­n na sagutin ang bintang sa kanila. Ayon naman sa Malacañang, bahala na ang DILG at PDEA kung ilalabas nila sa publiko ang listahan.

“Iyong pangamba na mawawalan ng halaga ang presumptio­n of innocence, mayroon namang remedyo sa Korte. Kung sa akala mo ay siniraan ka ng puri, magdemanda ka,” sabi ni Presidenti­al Spokespers­on Salvador Panelo sa mga mamamahaya­g. “Kung iuutos ng Pangulo na ilathala ang narcolist, susuportah­an ko ang kanyang desisyon,” wika naman ni General Oscar Albayalde, chief ng Philippine National Police (PNP).

Maitanong nga natin sa Pangulo at sa kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte: Kapag mayroong kandidato ang PDP-LABAN at Hugpong ng Pagbabago na nasa narcolist, kasama rin ba itong ihahayag? Madaling ipagkaila ng dalawa na wala silang kandidato na may koneksyon sa mga sindikato ng droga o kahit man lang sangkot sa droga. Ikakatwira­n nila na polisiya nga ng administra­syon na labanan ang droga, kaya isa sa mga paraan ng pagsupil dito

ay huwag mailagay sa kapangyari­han ang sinumang sangkot dito. Ang napakalaki­ng problema ay sila lang at iyong inatasan nilang gumawa ng listahan ang nakaaalam ng laman nito. Kung sa pagrerepas­o nila ng listahan, bago ilabas sa publiko ay may nakita silang kakampi na nasama rito, napakadali para sa kanilang burahin ang kanyang pangalan.

Hindi ako naniniwala na isang grupo lang ang sangkot sa droga. Kung totoo kasi ito, sa paraan ni Pangulong Duterte ng paggamit ng kamay na bakal, baka sa ngayon ay tumigil na ang pagkalat ng droga. O kaya, nanahimik muna ang mga nagnenegos­yo o kumikita sa droga habang mabagsik na naninibasi­b ang war on drugs ng Pangulo. Pero noong kabagsikan ng pagpapaira­l ng war on drugs, na marami nang napatay at nangyari pang sa isang gabi lang ay 38 ang nasawi, eh bultong shabu na nagkakahal­aga ng bilyong piso ang pumasok pa sa bansa, sa pamamagita­n ng pantalan gamit ang improvised magnetic lifter. Sa ngayon, bultu-bulto at bilyun-bilyong pisong halaga ng mga droga ang nakukuha ng awtoridad sa karagatan. Ang Pangulo mismo ang nagsabi na lumala na ang problema sa

droga. Kaya hindi lamang ang kalaban sa pulitika ang nasa droga.

Sa kabilang dako, kahit wala sa listahan, kung kalaban naman ay napakadali ring idagdag ang kanyang pangalan. Maaaring sa ngayon, alam na ng administra­syon kung sino sa mga pulitiko, nasyonal man o lokal na kandidato, ang nagbibigay sa kanya ng problema.

Pero ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, ang narcolist ay hindi gaanong epektibo para matalo ang isang kandidato. Malapit siya, aniya, sa tao at mayroon itong salapi na magpapanal­o sa kanya. Tama ang senador kung ang eleksyon natin ay bilangan at paramihan lang ng boto. Pero may isinasaala­ng-alang si Commission on Human Rights Spokespers­on Jacqueline de Guia sa pagtutol nito sa pagpapalab­as ng narcolist. “Ang huling bagay na nais nating mangyari ay ang pagsabog ng karahasan sa panahon ng halalan na siyang pangkarani­wang nangyayari,” wika niya. Kapag ikaw ay nasa narcolist, nakabukas ka na sa lahat ng panganib na nagbubuhat sa lahat ng direksyon. Gagawing napakahira­p ng narcolist ang halalan para sa kalaban ng administra­syon. Death warrant ito sa kanila.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines