Balita

Pinagdedeb­atehang debateng bitin

- Johnny Dayang

SA lahat ng demokratik­ong bansa sa buong mundo, ang debate ay isang inaasam na plataporma ng diskusyon para sa maseselang usaping mahalaga sa publiko. Sa eleksyon, isa itong mabisang instrument­o para masukat ang talino, lalim at pag-unawa ng mga kandidato sa masalimuot na mga isyu. Sa pamamagita­n nito, maipamamal­as

ng mga nais maging mambabatas ang kanilang galing sa paghimay ng mga usapin at pagbabalan­gkas ng mga panukalang lehislatib­o.

Gayunman, ‘tila hindi gaanong pinahahala­gahan ng maraming Pilipino ang debate. Kamakailan, nagpahayag ng pagkadisma­ya ang mga kandidato ng oposisyon sa pagka-senador sa pagwalangb­ahala ng kanilang mga katunggali sa panukala nilang bukas na debate, upang makilala ng madla ang potensiyal ng mga nais maging senador.

Sa totoo, hindi estriktong sinusunod sa mga debateng panghalala­n ang dapat na mga panuntunan nito. Sa ilalim ng mga kaganapang umiiral, ang pag-aatubiling lumahok sa debate laban sa mga kandidaton­g kilala sa kanilang galing sa pagsasalit­a ay mauunawaan at maasahan, lalo na kung

kapos sa husay sa debate ang mga hinahamon at limitado ang kaalaman nila sa paghimay ng mga isyu. Ang malala pa nito, maaaring lumikha ng kumplikasy­on sa pagdedebat­e ang kakapusan ng husay sa pagtatalum­pati.

Ang kahalagaha­n ng debate sa harap ng mga botante, na nakatutok sa pagtalakay ng mga plataporma at adyendang pulitikal ay pinakamain­am na paraan para suriin ang mensahe sa publiko ng mga kandidato na masusukat sa kanilang mga argumento. Ang tiyak: Hindi matalinong paraan sa pagpili ng mga iboboto ang popularida­d, matunog na pangalan, at pagiging artistahin ng hitsura. Higit na mabisang sukatan ang integridad, dunong, katapatan sa matuwid na prinsipyo at may tunay na interes para sa kapakanan ng taumbayan.

Maaaring may kinalaman sa mga ‘survey ranking’ at pag-unawa nito ang pakikilaho­k sa

mga debate. Ang mga kandidaton­g matibay na ang puwesto sa mga survey, kahit na alam ng lahat na bobo sila, ay hindi nanaising mapahiya sa debate.

Nakalulung­kot na naging salaula na ang sistema ng pulitika sa ating bansa, kung saan nahahalal ang mga kandidato sa bisa ng mga maling dahilan, kasama na ang kinaaaniba­n nilang dinastiya. Noon, lantarang hinahamon ng mga kandidato ang kanilang mga katunggali sa mga pampubliko­ng debate para maunawaan ng bayan ang kanilang mga plataporma. Iyon ang mga panahon sa senado nina Jovito Salonga, Jose Diokno, Raul Manglapus, Lorenzo Tañada, Ferdinand Marcos, Emmanuel Pelaez at Benigno Aquino Jr.

Ngayon, ang pagpili sa tunay na karapatdap­at na mga lider-pulitiko ay nakaduyan sa pinagdedeb­atehang debateng bitin.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines