Balita

Bea, tambay sa gym ni Gerald

- Nitz Miralles

NAKAKATUWA­angsimplen­g birthday greetings ni Bea Alonzo sa boyfriend niyang si Gerald Anderson.

“Pssss!!! @anderonger­aldjr” lang kasi ang ipinost niya sa kanyang Instagram Story, pero bumawi siya sa ipinost niyang video nilang dalawa, kung saan nasa bakasyon sila. At sa dulo ng video, hinalikan ni Bea sa pisngi si Gerald.

Sigurado namang mas sweet ang birthday greetings ni Bea kay Gerald in real life, ‘yung silang dalawa lang at hindi pang-public consumptio­n.

Anyway, kung bibisita kayo sa social media account ni Bea, makikitang masipag siyang nagwo-workout sa gym ni Gerald, na tinawag na The Th3rd Floor. Nasa Roces Avenue ang nasabing gym, na paborito ngayon ng ABS-CBN stars.

Samantala, mapapanood si Bea sa horror movie na Eerie, na co-production­s ng Star Cinema at Cre8 Production­s ng Singapore. Showing na sa March 27 ang first horror film ni Direk Mikhail Red, at tiyak na pasisigawi­n nito ang mga manonood dahil sa matinding takot.

First horror film din ito ni Bea, at tinanggap niya ang project dahil bukod sa directed ito ni Direk Mikhail, maganda ang story, gusto niyang sumubok gumawa ng horror, at higit sa lahat, gustong-gusto niyang makatrabah­o si Ms. Charo Santos. Sino nga naman ang tatangging makatrabah­o si Ms. Charo?

Ang resulta ng collaborat­ion nina Ms. Charo, Bea, at Direk Mikhail ay ang Eerie, na tungkol sa mga multo sa eskuwelaha­n. Marami ang makaka-relate rito, dahil totoo namang minumulto ang mga eskuwelaha­n.

 ?? Bea at Gerald ??
Bea at Gerald

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines