Balita

Alden at Maine, very close na nagkahiwal­ay

- Ni NORA V. CALDERON

NATUPAD na ang wish ng AlDub Nation na makapag-guest si Alden Richards sa number one sitcom ng GMA-7 na Daddy’s Gurl, na pinagbibid­ahan nina Vic Sotto at Maine Mendoza, bilang sina Itang Barak at Visitacion “Stacy” Otogan, respective­ly.

Sa taping nakausap si Alden, at hindi niya itinanggin­g nanibago siya sa taping procedure ng sitcom na idinidirek ni Chris Martinez.

“Nang ma-approve ang guesting ko sa Daddy’s Girl ni-look forward ko na ang pagtetapin­g dahil balita ko iba ang procedure nila roon. Plus gusto kong makatrabah­o ang buong cast na pawang mahuhusay na komedyante,” sabi ni Alden.

“Ang galing, iyon pala iyong buong location, nandoon na lahat, hindi na sila nagte-taping sa iba’t ibang location. Isa pa, ang gaan ding katrabaho ang buong cast, hindi ka makakapigi­l tumawa sa mga eksena.”

Ang tinutukoy ni Alden ay isang condominiu­m unit lang ang ginagamit sa taping ng Daddy’s Gurl, kaya nandoon na ang opisinang gamit nina Maine, Oyo Sotto, Kevin Santos, Chi-chirita, at ang unit naman nina Itang Barak, Stacy, Benjie Paras, Jelson Bay, at Inang Marikit (Wally Bayola) at nina Angelika dela Cruz at

Chamyto.

Paano papasok si Alden sa kuwento ng

Daddy’s Gurl?

“Mayroon kaming childhood past dito ni Stacy, ‘yung character ni Maine. We are very close tapos nagkahiwal­ay kami nang matagal, tapos naging business partner ako ni Bossing

(Vic) sa isang coffee shop. So parang doon magsisimul­a, doon iikot yung character ni Aldrich Reyes.”

Sa interview kay Maine, sinabi niyang ang guesting ni Alden sa Daddy’s Gurl ay isang way ng

pasasalama­t nila ni Alden sa kanilang mga fans.

“Ang tagal na rin po nilang iniri-request na mag-guest dito si Alden. So, ito na ‘yun, para sa kanila.”

Ngayong Saturday na mapapanood ang Daddy’s Gurl after ng Pepito Manaloto. May part

2 pa ito, at sabi, this time ay may location sila. Sa Batangas daw, dahil parehong Batangueño sina Stacy at Aldrich.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines