Balita

Maja, sobrang close sa mommy ng BF

- Ni NORA V. CALDERON

MINSAN nang nasabi ni Maja Salvador sa isang panayam na hindi niya ugaling balikan ang kanyang mga ex-boyfriend.

Pero siya mismo ang sumuway sa rule niyang ito nang balikan niya ang businessma­n na si Rambo Nuñez.

Naging magkarelas­yon sina Maja at Rambo nine years ago.

Ex din ni Maja sina Gerald Anderson at Matteo Guidicelli. Tumagal nang halos dalawang taon ang relasyon nina Maja at Gerald, habang isang taon lang ang itinagal nina Matteo at Maja.

Kaya ginulat ni Maja ang kanyang Instagram followers nang ihayag niya last month na si Rambo ang ka-date niya noong Valentine’s Day.

“I know! Ako rin naman nagulat,” bungad na pahayag ni Maja.

“Pero sabi ko nga, minsan you break your own rules. And ‘yung reason naman namin kung bakit kami nag-break noon, hindi matindi. Hindi tulad ng iba na matindi. ‘Yung reason namin, bata lang kasi ako nun.”

Dahil nag-uumpisa pa lang siya noon sa showbiz, mas pinili raw ni Maja ang kanyang career kaysa love life, kaya sila naghiwalay ni Rambo.

“So, parang hindi nabigyan ng todong chance before. So, eto siguro ‘yung chance,” sabi ni Maja.

Kung noon ay sobrang pribado si Maja pagdating sa kanyang love life, ngayon ay all-out siya sa pagpo-post ng kilig photos nila ni Rambo sa Instagram.

Kuwento pa ni Maja, isa sa mga ikinahulog ng loob niya kay Rambo ay ang pagmamahal nito sa pamilya.

“Walang pagbabago sa [pagiging] very familyorie­nted [niya]. And super love niya ‘yung mommy niya. Eh, isa ‘yun sa mga hinahanap ko. Kasi ang sabi nga nila, dapat mahanap mo ‘yung lalaking sobrang mahal ‘yung nanay, para alam mo kung paano ka rin niya mamahalin.

“And ‘yung family nila, sobrang bait!” Malaking bagay rin daw na malapit si Maja sa ina ni Rambo na si Marilen Nuñez.

Kahit na noong naghiwalay sila ni Rambo ay hindi raw nawala ang komunikasy­on ni Maja kay Marilen. Ito rin ang dahilan kung bakit ganoon na lang kakumporta­ble si Maja na tawaging “Mhom” si Marilen sa mismong Instagram posts ng aktres.

“Sobrang suwerte lang din na ang bait ng family, na wine-welcome ka na parang pamilya. Actually, anak ‘yung turing sa akin, eh. ‘Yun ‘yung masarap sa pakiramdam. ‘Yun ang pinapa-feel ng family.”

Hindi kaya kasalan na agad ang uwi nila ni Rambo kaya Mhom na ang tawag ng aktres sa ina ng binata?

“Siyempre alam n’yo naman ako. No filter naman ako, ‘di ba, kung paano ako magsalita sa kahit kanino. Siyempre hindi naman ako magpapangg­ap, pagdating kunwari, e, nagkasundo talaga kami ni Mhom.

“So, Mhom, may ‘h’ para maiba. Kasi may ginagaya ata ako nun na may accent, dun nag-start.”

Umaasa raw si Maja na magtuluy-tuloy ang magandang samahan nila ni Rambo.

“Sabi ko nga, ang gaan [ng relasyon]! Sobrang kabaliktar­an ng dati. Ngayon, sobrang gaan,” pagtatapos pa ni Maja.

 ??  ?? Rambo at Maja
Rambo at Maja

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines