Balita

Uno at Joaquin, bagong showbiz heartthrob­s

- Mercy Lejarde

SI Daddie Wowie Roxas

ang discoverer­mentor cum talent manager ni Isko

Moreno, na ngayon ay may tatak na rin ang pangalan sa larangan ng pulitika. Sa katunayan, kakandidat­o siyang mayor ng Maynila, kalaban ni incumbent Mayor Joseph Estrada this coming election.

Matagal ring namahinga sa showbiz world itong si Daddie Wowie at ngayon nga ay nagbabalik siya bilang line producer ng pelikulang Jesusa, a film by Direk Ronald

Carballo with Sylvia Sanchez and Malu Barry in the lead cast. Balik-talent discoverer-cum manager din siya dahil dalawang poging bagets ang alaga niya ngayon sa kanyang DW Artists Management 2019.

Una ay si Uno Santiago, na introducin­g sa Jesusa. Unang pelikula pa lang ito ni Uno pero nagpakitan­g-gilas na siya sa pag-arte kaeksena sina Sylvia at Malu bilang mga adik sa nasabing pelikula.

May isa pang super pogi na talent si Daddie Wowie named Joaquin Domagoso.

Pamilyar sa amin ang Domagoso surname, dahil ang tunay na pangalan ni Isko ay Francisco Domagoso.

Yesss, itong si Joaquin ay anak nga ng dating Manila vice mayor.

Joaguin is only 17 years old, na nagaaral lang naman sa Southville Internatio­nal School affiliated with foreign universiti­es, na kung saan ay 12th grade na siya. Siya ang itinuturin­g na heartthrob ng school nila coz he won the title of Mr. Teen SGEN 2018, bukod pa sa pagiging football player nito.

“Bale, dalawa na ang bagets kong alaga this 2019, na parehong guwaping at meron na silang movie projects coming up nilang dalawa very soon.

“Nakakatuwa lang na maging talent mo ang anak ng dati mo ring talent na si Isko Moreno, sa totoo lang,” very proud na sabi sa amin ni Daddie Wowie.

Well, ito na kayang sina Uno at Joaquin ang millenial version ng dating Gwapings na sina Eric Fructuso, Mark Anthony Fernandez, at Jomari Yllana? Yo, what do you think, madlang pipol?

If you agree, then spin a win! And welcome to showbiz world, Uno Santiago at Joaquin Domagoso!

 ??  ?? Joaquin
Joaquin

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines