Balita

Andre, nag-sorry sa halikan kay Lou

- Ni MERCY LEJARDE

BILANG reality show, maraming bagay na maaaring mangyari sa Pinoy Big Brother Otso, at hindi laging sasang-ayunan o ikatutuwa ito ng mga manonood.

Tulad nitong episode na napanood kamakailan ng inyong Yours Truly, nang may nangyaring halikan sa pagitan ng dalawang housemates—sina Andre Brouillett­e at Lou

Yanong. Mabilis na nag-react ang ilang netizens at nagsabing hindi magandang ehemplo ito sa mga mas nakababata­ng manonood.

May ilan rin namang nagtanggol at nagsabing unfair ito dahil ang PBB ay tulad rin ng ibang palabas na may kapupuluta­ng aral. Masasabi ngang salamin ng totoong buhay ang bahay na ito.

Sa sitwasyong ito, dapat isama sa konsideras­yon ang ipinakitan­g maturity at responsibi­lidad ng mga kasamang housemates. Kung napanood n’yo nang buo ang episode, makikitang hindi rin naman natuwa ang ilang housemates sa nangyari. Pinagsabih­an pa nila ang dalawa.

“Kailangan ko silang pigilan kasi ayoko silang hayaan lang silang ganun,” sabi ni Mary Grace Lagos

sa kanyang paghaharap kay Big Brother. In fact, nilapitan pa niya ang dalawa sa pool para pigilan sila. “Kami ni Fumiya (Sankai) at Ate Grace, kami ‘yung naka-observe na medyo nagiging touching na sa isa’t isa. Sa iba siguro okay lang pero sa akin po talaga, Kuya, hindi po ako kumportabl­e na makita ‘yung silang ganun,” sabi naman ni Yamyam Gucong kay Big Brother sa confession room. Pinagsabih­an rin ni Fumiya si Andre: “If you feel offended I’m sorry...but we are family. But you had too much drink and you cannot control anymore.”

In the end, inamin nina Andre at Lou ang pagkakamal­i nila. “I just want to say I am sorry about last night ‘cause I way drink too much,” sabi ni Andre. Sagot ni Big Brother: “I care about all my housemates pero bawat action ay may consequenc­e. Walang problema magkasiyah­an but be careful.” Henga naman. Sabi nga, be careful sa salita, sa gawa, at lalo na be careful with your heart sa true lang.

 ??  ?? Andre at Lou
Andre at Lou

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines