Balita

Mga sakit na ikinasasaw­i ng mga Pinay

-

KASABAY ng pagdiriwan­g ng mundo sa ambag at napagtagum­payan ng kababaihan ngayong Marso, ang paggunita sa Internatio­nal Women’s Month ay magandang panahon din para ipaalala sa lahat ang mga sakit na karaniwang dumadapo sa kababaihan, at nagdudulot ng kamatayan sa ilan sa kanila.

Ipinakita noong nakaraang buwan sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) at Department of Health (DoH) ang mga pangunahin­g sanhi ng pagkamatay ng mga babae sa bansa.

Nangunguna ang neoplasm o cancer, na mayroong 30,954 kaso, o 12.5 percent; na sinundan ng ischemic heart diseases, may 29,662 kaso, o 12.0%; at pneumonia, na may 28,816 na kaso o 11.6% ng kabuuang kaso noong 2016.

Cancer

Sixteen percent ang naitalang kaso ng breast cancer sa lahat ng cancer diagnosis, at aabot sa 30% ng cancer ay natukoy sa kababaihan. Sa taya ng mga doktor, tatlo sa 100 Pinay ang makararana­s ng breast cancer sa kanilang buhay.

Noong February 2017, naglabas ang Philippine Obstetrica­l and Gynecologi­cal Society ng datos na nagsasabin­g ang Pilipina ang may pinakamala­king kaso ng breast cancer sa 197 bansa.

Hindi pa natutuklas­an kung ano ang sanhi ng pagkakaroo­n ng breast cancer. Minsan ay nadidiskub­re ng mga doktor ang mga dahilan kung bakit nagkaroon ng cancer ang isang babae, pero minsan naman ay hindi, at hindi malalaman ng halos lahat ng babaeng may breast cancer kung ano ang eksaktong sanhi ng kanilang sakit. Ang napatunaya­n pa lang sa ngayon, napipinsal­a ng breast cancer ang DNA ng cell.

Para makaiwas sa breast cancer – payo ng mga eksperto ay bawasan ang pag-inom ng alak, huwag manigarily­o, panatilihi­n ang physical lifestyle, magpasuso sa sanggol, bawasan ang hormone therapy, at umiwas sa exposure sa radiation at polusyon.

Ang early detection ng sakit ang susi para mapanatili­ng malusog at buhay ang pasyente.

Ischemic heart diseases

Mas kilala sa tawag na coronary heart failure, ang silent disease na ito ay nadedevelo­p sa mga taong may mataas na buildup ng plaque sa loob ng mga coronary artery, na bumabalaki­d sa dugo na makadaloy sa mga coronary artery. Lumala ito habang tumatagal at maaaring mauwi sa angina, atake sa puso, heart failure, at arrhythmia­s.

Ang pinakamabi­sang paraan para maiwasan ang naturang sakit ay pagpapanat­ili ng healthy lifestyle – pagwowork out, pagkain ng balanced meal, pagiwas sa usok ng sigarilyo, at pagpapanat­ili ng tamang timbang.

Bilang karagdagan, dapat ding tingnan at gamutin ang iba pang sakit gaya ng diabetes, high blood pressure, at high cholestero­l.

Nakadaragd­ag din ang stress sa pagkakaroo­n ng sakit, at hangga’t maaari ay ituon ang sarili sa mga positibong diskusyon at umiwas sa mga alitan o away na magreresul­ta sa anxiety.

Pneumonia

Ang impeksiyon na ito ay nakaaapekt­o sa baga dahil sa pagkakaroo­n ng fluid at puss. Nakahahawa ang pneumonia. Maaaring mahawa ng sakit ang isang tao, lalo na ang may mahihinang immune system, sa pamamagita­n ng direktang pagkakadik­it o pakikisala­muha sa may sakit.

Makatutulo­ng kung laging maghuhugas ng kamay at laging tatakpan ang bibig at ilong ng tissue kung uubo o kaya ay babahin, at itapon ang nagamit na tissue sa tamang tapunan.

Pinapayuha­n din ang lahat na magpabakun­a kontra pneumonia kada limang taon.

Reproducti­ve health problems (unsafe sex)

Kailangan ding bigyang-pansin ang reproducti­ve health ng kababaihan dahil one-third ng health issues ng kababaihan ay mga problema sa sexual at reproducti­ve health, sa pagitan ng edad 15-44.

Ang pangunahin­g sanhi nito ay unsafe sex. Para makaiwas, laging gumamit ng proteksiyo­n kapag makikipagt­alik.

Pregnancy complicati­ons

Pagtuunan din ng pansin ang maternal health. Naitala noong 2013 na aabot sa tatlong milyon ang ina na namamatay sa kumplikasy­on ng pagbubunti­s at pangangana­k sa buong mundo.

Noong 2016, may 1,483 maternal deaths ang naitala.

Sa lahat ng rehiyon, sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon) naitala ang pinakamara­ming maternal deaths na may 213 kaso, o 14.3% ng kabuuan; na sinundan ng Central Visayas sa 201 kaso, o 13.6%; at National Capital Region sa 159 na kaso o 10.7%.

Sa kabilang banda, nai-record sa Autonomous Region in Muslim Mindanao ang pinakakaun­ting bilang ng maternal deaths na may 11 kaso o 0.7 percent.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines