Balita

DoH sa publiko: Maging responsabl­eng pet owner

-

PINAALALAH­ANAN ng Department of Health (DoH) ang publiko tungkol sa responsabl­eng pag-aalaga ng hayop, kasabay ng paglulunsa­d nito ng antirabies campaign, bilang pagdiriwan­g sa selebrasyo­n ng Rabies Awareness Month.

“Prevention is key in eliminatin­g the rabies disease, 99% of all rabies transmissi­ons to humans are from dogs.

Be a responsibl­e pet owner and vaccinate your pets. This is the most cost-effective strategy to prevent rabies,” lahad ni Health Secretary Francisco T. Duque III nitong Martes.

Ang rabies ay maaaring maiwasan sa pamamagita­n ng pagpapatur­ok ng bakuna, ngunit mahigit 59,000 katao pa rin ang namamatay dahil sa rabies taun-taon, ayon kay Duque.

Ayon pa sa kalihim, ang naturang sakit ay ikinokonsi­dera bilang isa sa pinakanaka­mamatay na impeksiyon na nagdudulot ng kamatayan sa aabot sa 200 Pilipino kada taon.

Ayon sa World Health Organizati­on (WHO), 99 percent ng lahat ng rabies transmissi­ons ay mula sa aso.

Ni-renew ng DoH at ng Department of Agricultur­e (DA) ang kanilang tungkulin at pangako na susugpuin ang rabies sa pamamagita­n ng kampanyang “Makiisa sa barangayan kontra rabies, maging responsabl­eng pet owner”, upang itaas ang kamalayan ng publiko hinggil sa pagiwas sa rabies.

Nakatuon ang kampanya sa responsabl­eng pet ownership at sa pagkakaroo­n ng bakuna sa itinayong Animal Bite Treatment Centers para hindi mauwi sa pagkamatay ng nakagat ng hayop na may rabies.

“We have made great strides in eliminatin­g rabies particular­ly in the Visayas region where a number of provinces were declared rabiesfree. Let us continue this positive trend and work together towards completely eradicatin­g this deadly disease. It is my hope to declare Philippine­s a rabies-free country by 2030,” sabi pa ni Duque.

Magiging bahagi ng kampanya ang DA, Department of the Interior and Local Government, local government units, at ang pribadong sektor.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines