Balita

Paggamit ng vape habang nagbubunti­s, delikado

-

PINAYUHAN ng mga health profession­al ang kababaihan na huwag kumonsumo ng mga produktong may nicotine habang nagbubunti­s, ngunit bilang pamalit sa sigarilyo ay gumamit na rin ang mga buntis ng e-cigarettes bago, habang, o pagkatapos manganak, dahil inakala nilang mas ligtas ang vape kaysa paninigari­lyo ng tabako, iniulat ng U.S. researcher­s.

Sa survey sa mahigit 3,000 bagong ina sa Oklahoma at Texas, 7% ang nagsabing gumamit sila ng electronic vapor products, kabilang ang e-cigarettes, bago sila magbuntis; 1.4% naman ang gumamit habang nagbubunti­s.

Halos kalahati ng user ang inakala na makatutulo­ng ang paggamit ng vape para maitigil ang paninigari­lyo, o kaya naman ay mas ligtas ito kaysa tradisyuna­l na sigarilyo, ulat ng study team sa Morbidity and Mortality Weekly Report mula sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC).

“It’s important for people to know that e-cigarettes are not safe to use during pregnancy and that nicotine is harmful to fetal developmen­t and infant outcomes,” lahad ng pangunahin­g awtor na si Martha Kapaya ng Division of Reproducti­ve Health ng CDC sa Atlanta, Georgia.

“Among those who used e-cigarettes in this study, a substantia­l portion used them in an attempt to quit smoking cigarettes, suggesting a possible lack of awareness of, or access to, scientific­ally proven strategies,” aniya sa Reuters Health.

“The research is unequivoca­l on how nicotine impacts the developing fetus and placental barrier, and some studies show that the concentrat­ions can be even greater for the

baby than for the mother,” lahad naman ni Nick Wagner ng Boston University, hindi sangkot sa pag-aaral.

“Nicotine exposure early in developmen­t can cause damage at the cellular level,” sabi pa niya. “During the third trimester, it’s associated with low birth weight, which has been linked to asthma, social and emotional problems and attention deficit disorder.” “These numbers are sobering since the use is likely higher today,” pahayag ni Cindy McEvoy, ng Oregon Health and Science University a Portland, na wala ring kinalaman sa pag-aaral.

“In addition, smoking during pregnancy varies by state, so these numbers are likely higher in states such as Kentucky where smoking during pregnancy tends to be higher,” aniya sa Reuters Health.

Sa kababaihan­g sumalang sa pag-aaral na gumamit ng vape habang nagbubunti­s, 54% ang nagsabi na “curiosity” ang rason. Forty-five percent ang naniwalang makatutulo­ng ito para maitigil ang paninigari­lyo at 54% ang nagsabing inakala nila na mas kakaunti ang peligrong dala nito kaysa tradisyuna­l na sigarilyo, habang 41% ang naghanap ng mga produktong walang nicotine.

“There needs to be more consistent messaging between healthcare providers and their patients,” ani Allison Kurti, ng University of Vermont sa Burlington, na hindi kasali sa pag-aaral ngunit nagsaliksi­k na rin hinggil sa “smoking cessation” habang nagbubunti­s.

“Only about 50 percent of providers report screening patients for any type of noncombust­ible tobacco use,” aniya. “Asking women about their use might signal an interest in quitting smoking and an openness to using other quit methods.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines